Miss World Philippines 2012 runner-up April Love Jordan dies at 31

by Arniel C. Serato
Jun 24, 2019
Miss World Philippines 2012 3rd Princess April Love Jordan's interment is scheduled tomorrow, June 25.
PHOTO/S: Courtesy: Pamantasan ng Lungsod ng Maynila on Facebook

Pumanaw na si Miss World Philippines 2012 3rd Princess April Love Jordan nitong Biyernes, June 21.

Namatay si April dahil sa liver cancer. Siya ay 31 taong gulang lamang.

Si April ay beterano na pagdating sa mga beauty pageant.

Bukod sa Miss World Philippines, sumali na rin siya sa Binibining Pilipinas 2009 (Top 10 finalist), Mutya ng Pilipinas 2006 (2nd runner-up), Miss Philippines Earth 2006 (finalist), at International Beauty & Model Festival 2009 (winner).

Ang nanalong Miss World Philippines sa batch nina April ay si Queenierich Rehman.

Si April ay nagtapos ng Tourism, Hotel and Travel Industry Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Nakaburol ang kanyang mga labi sa Heritage Park Memorial Chapels sa Taguig City.

Nakatakda naman ang kanyang libing bukas, June 25.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World Philippines 2012 3rd Princess April Love Jordan's interment is scheduled tomorrow, June 25.
PHOTO/S: Courtesy: Pamantasan ng Lungsod ng Maynila on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results