Is Lovi Poe dating British film producer Montgomery Blencowe?

by Rachelle Siazon
Jun 24, 2019
PHOTO/S: @lovipoe Instagram

May espesyal bang ugnayan sa pagitan ni Lovi Poe at sa British guy na madalas niyang kasama ngayon?

Nitong Lunes, June 24, ibinahagi ni Lovi ang litrato niya kasama ang isang British guy nang dumalo sila sa Royal Ascot, isang prestihiyosong annual horse-racing event sa Ascot, Berkshire, England.

Naka-tag ang lalaking nagngangalang Montgomery Blencowe at may Instagram handle ito na @montyblencowe.

Ang tanging caption ni Lovi: "My Hat date to the races [winking emoji] #RoyalAscot"

Continue reading below ↓

Si Blencowe, base sa IMDB.com, ay executive producer ng American films tulad ng Escape Plan 2: Hades (2018) at Marauders (2016).

Nakabase siya sa Los Angeles, California.

May ilan pang litrato si Lovi kasama si Blencowe sa parehong event.

MEET-UPS IN LOS ANGELES, LAS VEGAS

Hindi ito ang unang pagkakataong nakasama ni Lovi ang film producer.

Continue reading below ↓

Base sa kanyang Instagram posts, noon pa lang Enero ay nagkita na sila ni Blencowe sa Los Angeles.

Nang sumunod na buwan, may kuha rin sila sa isang posh restaurant sa Las Vegas.

Continue reading below ↓

Ilang buwan namalagi si Lovi sa U.S., at nitong Hunyo ay sandaling umuwi sa Pilipinas bago lumipad ulit patungong U.K.

CELEB FRIENDS REACT

Samantala, ilan sa mga kaibigan ni Lovi sa showbiz ay natuwa sa tila blooming love life ng Kapuso actress.

Kabilang sa mga nagkomento sa post ni Lovi ay sina Benjamin Alves, Iza Calzado, Maja Salvador, at Paulo Avelino.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe, Montgomery Blencowe
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @lovipoe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results