Pops Fernandez still gets kilig with ex-husband Martin Nievera

by Glenn Regondola
Jun 25, 2019
Pops Fernandez on being friends with ex-husband Martin Nievera: "Wala naman kasi kaming choice, di ba, kundi maging friends talaga. And I think, my kids like it that way."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Jerry Olea

Ayon kay Pops Fernandez, bagamat matagal na sila hiwalay ng dating asawag si Martin Nievera at may kanya-kanya na silang buhay, hindi pa rin nawawala ang kilig nila sa isa’t isa.

Natatawang pahayag ng Concert Queen, “I don’t know why! Ako rin, I don’t know why.

“I think, we’re just being honest with each other.

“And I think, more than anything else, we both appreciate the friendship.

“Wala naman kasi kaming choice, di ba, kundi maging friends talaga.

“And I think, my kids like it that way.”

Sina Pops at Martin ay may dalawang anak—sina Ram at Robin Nievera.

Pero kung ang pag-uusapan ay ang romantic passion sa isa’t isa, hindi na raw nila ito nararamdaman.

“Honestly, parang okey na okey na kami as friends.

“And mas naiintindihan namin ang isa’t isa.

Continue reading below ↓

“Mas nai-express naman ang nararamdaman namin sa isa’t isa now that we are...” pahayag ni Pops sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Feelennials last week.

POPS BACK TO CONCERT SCENE WITH MARTIN

Kaya nga raw ngayon, lalo pang naging magaan ang pagtatrabaho nina Pops at Martin.

Katulad na lamang ng upcoming concert nilang Two-Gether Again na magaganap sa Chicago, Illinois sa September 6.

Ayon sa 52-year-old singer-producer, “We had a meeting, we’re discussing songs.

“We wanted something new. Of course, we can’t forget our old favorite songs, but we’re going to do new versions of our old songs.

“Madami pa… basta maganda yung concept namin.

“Same concept pa rin, maybe little different.”

Marami nga ang natutuwa na muling bumalik sa concert scene si Pops.

Ilang taon din siyang hindi nakitang nagpi-perform on stage, kaya welcome respite sa kanya ang concert nila ng ex-husband.

Continue reading below ↓

Ani Pops, “I’m still a little hesitant, kasi dati nagka-acid reflux ako at nahirapan akong kumanta.

“So, hindi talaga ako confident.

“So, I think, that’s also the reason why nagpahinga muna ako.

“I really focused with a lot of things—businesses and, mostly, production nga.

“‘Tapos, nung feeling ko na bumalik na nang slight yung voice ko, sabi ko, ‘Sige, I wanna do a concert with him [Martin].’"

Dagdag niya, “And it’s easier kasi to do a concert with Martin kasi walang masyadong pressure.

“Siya lang yung nagpi-pressure sa akin, pero doing a show with him, it’s fun.

“And If I want to step on stage again, I really wanted to be with him.

“Kumbaga sa... hindi ako masyadong maninerbiyos and mag-aalalayan kami.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez on being friends with ex-husband Martin Nievera: "Wala naman kasi kaming choice, di ba, kundi maging friends talaga. And I think, my kids like it that way."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results