Glaiza de Castro's mom approves of David Rainey for Kapuso actress

by Glenn Regondola
Jun 25, 2019
Mommy Cristy Galura on daughter Glaiza de Castro's boyfriend, David Rainey: "Pinipilit din niya talaga na kunin yung loob namin. Minsan, nung pumunta siya dito, ipinagluluto pa niya kami."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram

Masaya ang ina ni Glaiza de Castro na si Cristy Galura na mayroon nang boyfriend ang anak, na matagal ding naghintay bago dumating ang lalaking mamahalin nito at magmamahal sa kanya nang totoo.

Ito ay sa katauhan ng Irishman na si David Rainey, na naging surfing instructor ng 31-year-old Kapuso actress.

Nakangiting pahayag ni Mommy Cristy, “Finally!

“Okey lang, okey lang naman na… kasi sa age naman niya, puwede naman na siyang mag-boyfriend.

“Kaya lang, pini-pray ko talaga sa kanya na makakuha siya ng lalaki na mamahalin siya.

“Wala namang problema ‘yan sa akin, e. Nasa kanya namang lahat yun, yung desisyon.

“Basta, para sa akin, pang-support lang kami ni Daddy [Boy Galura].

“Siya lang talaga ang nakakaalam kung...”

Bilang ina, nakikita ba niya ang qualities ng isang potential son-in-law kay David, kung sakaling dumating sa puntong magpakasal ang dalawa?

Tugon ng in ani Glaiza, “Okey naman siya.

Continue reading below ↓

“Nakita ko namang.... masipag yung bata.

“Nakita ko naman kung paano pinuprotektahan si Glaiza.

“Ipinapakita niya kung gaano niya ka-love si Glaiza.

“Biro mo, hindi naman siguro malapit ang Ireland para puntahan lang si Glaiza.”

Gumagawa rin daw ng effort si David na malapit ito sa kanila ni Daddy Boy.

Ani Mommy Cristy, “Pinipilit din niya talaga na kunin yung loob namin.

“Minsan, nung pumunta siya dito, ipinagluluto pa niya kami.

“Ipinatitikim niya sa amin yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Glaiza sa out-of-town show ng aktres sa Casiguran, Aurora kamakailan.

THE RIGHT MAN FOR GLAIZA

Mabuti’t hindi sila nakikialam pagdating sa usaping pag-ibig ng kanilang mga anak?

Sabi ni Mommy Cristy, “A, ano… advice lang.

“Kapag may umaakyat namang ligaw kay Glaiza at tinanong niya ako, ‘Okey ba ‘yan?’

Continue reading below ↓

“Pag sa tingin ko hindi okey, sinasabi ko sa kanya.

“Sa akin, ‘Parang di okey, pero ikaw pa rin. Tingnan mo.’

“Later mari-realize din niya na hindi pala siya okey.

“Ang prayer ko lang talaga sa kanya, yung makatagpo siya ng lalaking mamahalin siya.

“Sabi ko, hindi naman laging kasama niya kami.

“Sana siya na nga,” pagtukoy niya kay David.

Tanggap na rin daw nila kung sakaling iwanan ng kanilang anak ang career nito, para magkaroon na rin ng sariling pamilya.

Saad ni Mommy Cristy, “Nasa kanya na yun, kasi napakahaba na ang serbisyo ni Glaiza dito sa pamilya namin.

“Sabi ko nga, this time, sobra-sobra na yung ibinigay niya sa amin.

“Yung blessings na siyempre nabigyan niya kami ng magandang buhay.

“Siya ang ginamit ni Lord para mabigyan kami ng kumportableng buhay ngayon.

“Kasi sabi ko sa kanya, ‘Yung sarili mo naman ang asikasuhin mo.’

Continue reading below ↓

“Kami naman, tinutulungan namin siya kung saan i-invest ang mga pinaghirapan niya.

“Dito lang kami ni Daddy para suportahan siya at i-maintain kung anong meron siya, at pangalagaan din ang mga bagay na pinaghirapan niya.”

Sa ngayon ay marami nang investments ang Kapuso actress, kasama na rito ang ilang properties at negosyong kanyang naipundar.

Paalis na rin si Glaiza sa June 29 para sa kanyang three-month study on music production and composition sa United Kingdom.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mommy Cristy Galura on daughter Glaiza de Castro's boyfriend, David Rainey: "Pinipilit din niya talaga na kunin yung loob namin. Minsan, nung pumunta siya dito, ipinagluluto pa niya kami."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results