Daddy Bae quashes fabricated stories about Alden Richards, Maine Mendoza

by Rachelle Siazon
Jun 25, 2019
Alden Richards' father Richard Faulkerson Jr. tweets, "Wala po ako manugang, walang apo, walang kasal na naganap."
PHOTO/S: Instagram

Mariing pinabulaanan ni Richard Faulkerson Sr., aka Daddy Bae, ang ipinapakalat ng ilang netizens na maling impormasyon tungkol sa anak niyang si Alden Richards.

Walang binanggit na mga pangalan si Daddy Bae, pero hindi kaila sa mga masugid na tagasuporta ng AlDub (Alden at Maine Mendoza/Yaya Dub) na may mga nagpapakalat ng gawa-gawang kuwento tungkol sa dating perennial love team.

Tweet ni Daddy Bae noong June 23: "This is the truth, Wala po ako manugang, walang apo, walang kasal na naganap.

"Please po. Stop it. Please. Thank you."

Narito ang ilang komento ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

ALDUB LOVE TEAM

Tila may kaugnayan ito sa usap-usapan sa social media na may mga pilit pa ring nagsasabing may relasyon sina Alden at Maine.

Nabuo ang tambalan nina Alden at Maine na AlDub sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! mula July 2015 hanggang December 2016.

Marami sa mga tagahanga ng AlDub ay minsang nagnais na mauwi sa totohanan ang onscreen romance ng dalawa.

Pero kinalaunan, napag-alamang mabuting magkaibigan at magkatrabaho lamang sina Maine at Alden.

MAINE ON FALSE STORIES ABOUT HER AND ALDEN

Nitong March 2019, nakarating kay Maine na may ilang netizens ang pilit pa ring nagsasabing may relasyon sila ni Alden.

Mariin itong itinanggi ni Maine sa kanyang blog entry.

"For the record, I was never in a relationship. I was never engaged. I was never married. I was never pregnant. (Malaki lang ang tyan!)" sabi sa bahagi ng pahayag ni Maine.

Pinangalanan din ni Maine ang netizens na sinasabing nagkakalat na "engaged" na sila ni Alden.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "I have no idea where they get their stories from but one thing for sure, everything is fabricated.

"Whatever their reasons are for doing that, I hope they will soon realize that there are a lot people being affected by their stories."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards' father Richard Faulkerson Jr. tweets, "Wala po ako manugang, walang apo, walang kasal na naganap."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results