Former Kapamilya Martin del Rosario believes ABS-CBN will survive franchise-renewal issue

by Rommel Gonzales
Jun 25, 2019
Martin del Rosario on ABS-CBN's franchise-renewal issue: "Feeling ko naman, kakayanin naman nila."
PHOTO/S: Instagram

Nalulungkot ang dating Kapamilya na si Martin del Rosario sa napipintong hindi pag-apruba ng renewal ng franchise ng ABS-CBN.

“Siyempre, nakakalungkot na maraming mawawalan din ng trabaho kung mangyayari man ‘yan,” seryosong sambit ng Kapuso actor nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang Because I Love You noong Hunyo 6, Huwebes, sa Cafe 1771 Events Place, Ortigas Center.

Patuloy niya, “Pero I think naman, yung ABS-CBN, ginagawa naman nila yung best nila or kung anumang mga ano nila para mag-survive.

“So iyon, ako, feeling ko naman, kakayanin naman nila.”

THE PANTI SISTERS

May balitang kukunin ng Black Sheep, isa sa mga film arm ng ABS-CBN, ang pelikulang The Panti Sisters nina Martin, Christian Bables, at Paolo Ballesteros.

Handa ba si Martin na muling tumapak sa bakuran ng ABS-CBN para sa promo nito?

“Hindi po yata ako papayagan dahil nasa contract. So, ayun,” sagot niya.

Continue reading below ↓

So, sino ang magpo-promote sa ABS-CBN?

“Si Christian... si Christian and si Paolo,” tugon ni Martin.

“Si Paolo yata, puwede. Ako lang yata ang hindi puwede. Pero si Christian at si Paolo, puwede.

“'Tapos, ako siguro, sa GMA na shows.”

Loveless ngayon si Martin. May dine-date man lang ba siya?

“Wala, wala. Wala pa rin. Masaya naman akong single.”

Ipalalabas na ang Because I Love You bukas, Hunyo 26, Miyerkules, sa mga sinehan.

Bida rito sina David Licauco at Shaira Diaz, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Produced ito ng ALV Films in cooperation with Garahe Films, and distributed by Regal Films.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin del Rosario on ABS-CBN's franchise-renewal issue: "Feeling ko naman, kakayanin naman nila."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results