Dani Porter admits crush on StarStruck 7 co-finalist Jerick Dolormente

by Rachelle Siazon
Jun 26, 2019
Starstruck 7 finalists Dani Porter and Jerick Dolormente pick each other as their preferred love team partner if given a chance to do a project together.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kinakiligan sa media launch ng GMA-7 reality show na StarStruck 7 Final 14 ang hindi inaasahang pag-amin ni Dani Porter na may paghanga siya para sa ka-batchmate na si Jerick Dolormente.

Kaugnay ito sa forum question kung sino sa kanilang batch ang gusto nilang maging ka-love team.

Nahihiya pero napabungisngis na sinagot ni Dani ang tanong, "Para sa akin si Kuya Jerick."

Tila hindi mapakali si Dani na halos magtago sa likod ng katabi niyang Starstruck finalist.

Sabay sabi niya ulit, "Nahihiya po ako!"

Nang uriratin kung bakit siya nahihiya at hindi mapakali sa kinauupuan, umamin si Dani na "crush" niya si Jerick.

Si Dani, 17, na taga-Quezon City ay kilalang kengkoy sa kanilang grupo ng StarStruck hopefuls at si Jerick, 20, na taga-Camarines Sur ay binansagang Alden Richards look-alike.

Sa parte ni Jerick, si Dani rin ang pinili niyang gustong maka-love team.

"Ako po, honestly, si Dani Porter po. Kasi lagi kami nag-aasaran tuwing may oras."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito ay tinukso si Dani na swak sila ni Jerick dahil pinili rin siya ng binata.

Halatang hindi malaman ni Dani kung ano ang kanyang isasagot, lalo pa't ilan pa sa boys ng StarsStruck 7 ang nagsabing siya rin ang gustong maka-love team.

Napapabungisngis na sambit pa ng dalaga, "Ano ba iyan! Wala ako sasabihin! Gawa-gawa niyo lang..."

Pero giit ni Jerick, "Uy, hindi, a!"

Ginanap ang mediacon ng Starstruck 7 sa Studio 7 ng GMA Network Center sa Quezon City, Martes ng gabi, June 25.

Sa solong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Dani na "kinikilig" siya nang malamang gusto rin siya makapareha ni Jerick.

Kaya sa sobrang kaba ay halos hindi raw siya makasagot. Tanong ulit ng PEP.ph: Crush mo siya?

"Opo," nakangiting pag-amin ni Dani dahil "cute" at "mabait" daw si Jerick sa kanya.

Paano kung manligaw sa kanya si Jerick?

Nahihiyang sagot ni Dani, "Depende siguro. Kasi po yung edad niya alanganin sa akin.

Continue reading below ↓

"Ewan ko, parang masyado ng matanda, parang kuya ko lang po siya."

SEPARATED PARENTS

Si Dani ay ipinanganak sa States at Amerikano ang kanyang ama, pero sa Pilipinas na siya lumaki kasama ang kanyang ina.

Siya raw ang bunso sa kanilang tatlong magkakapatid.

"Yung Daddy ko po matagal ko na siyang di nakakasama.

"Nag-divorce na po sila ng mommy ko. Lumaki akong walang tatay.

"Yung mommy ko lang kasama ko. Siya po lahat nag-aasikaso sa akin, kahit dito sa StarStruck."

Ang ina raw ni Dani ay "nagbebenta ng mga products" at masasabi raw niyang maayos ang kanilang pamumuhay.

EYEING THE STARSTRUCK 7 PRIZES?

Sakaling siya ang tanghaling Ultimate Female Survivor, ano ang plano niyang gawin sa kanyang PHP1-million prize money?

Sagot ni Dani, "Siyempre po makakatulong yun sa aming pamilya, especially sa pag-aaral ko.

"Ako magpapa-aral sa sarili ko, di na po iintindihin ng mommy ko yun."

Pansamantalang tumigil sa pag-aaral si Dani, pero balak daw niyang mag-enrol sa isang homeschooling program habang sumusubok na makapasok sa showbiz.

Continue reading below ↓

"Kasi po gusto ko rin makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko rin po ito, pero iba pa rin kapag nakapagtapos."

Ang iba pang premyo para sa tatanghaling Ultimate Survivor ay PHP5-million worth na talent contract at house and lot.

Gusto ba niyang siya ang manalo sa GMA-7 reality show?

Sagot ni Dani, "Gusto rin po. Pero, siyempre, depende po yun kung sino pinaka-deserving sa amin.

"Kasi lahat kami may talent, may kanya-kanya kaming ipapakita."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Starstruck 7 finalists Dani Porter and Jerick Dolormente pick each other as their preferred love team partner if given a chance to do a project together.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results