Jake Zyrus proudly posts picture showing his facial hair

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2019
Jake Zyrus sports new look in his latest Instagram post.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @jakezyrusmusic on Instagram

Unti-unti nang natupad ni Jake Zyrus, 27, ang pangarap niyang maging ganap na lalaki ngayong tinutubuan na siya ng facial hair.

Sa bagong post ng mang-aawit sa Instagram ngayong Miyerkules, June 26, makikitang may tumutubong manipis na bigote sa kanyang upper lip at balbas sa kanyang baba.

Walang nilagay na caption si Jake sa kanyang post.

Continue reading below ↓

Si Jake—na unang nakilala at sumikat bilang Charice Pempengco—ay umaming siya ay "tomboy" noong June 2, 2013.

Siya ay 21 taong gulang lamang noon.

Ang kanyang karelasyon noon ay si Alyssa Quijano, dating member ng girl group na A.K.A. Jam.

Nagkakilala sila sa defunct Kapamilya talent search na X-Factor Philippines (2012), kung saan finalist si Alyssa at hurado si Jake.

THE BIRTH OJ JAKE ZYRUS

Noong March 29, 2017, sumailalim si Jake sa isang female to male (FTM) chest reconstruction surgery o “top surgery,” ang medical procedure kung saan tinanggal ang kanyang boobs.

Noong panahong yun, mula sa pagiging Charice Pempengco ay pinalitan niya ang kanyang screen name ng Jake Zyrus.

Tinukoy din niya ang sarili bilang isang transgender man.

October 2018, naging viral ang topless na larawan ni Jake dahil makikita ritong flat-chested na siya habang nagwu-work out.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jake Zyrus, Charice Pempengco
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Zyrus sports new look in his latest Instagram post.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @jakezyrusmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results