Pauleen Luna, Angela Luz catch up over dinner

by Rachelle Siazon
Jun 27, 2019
Pauleen Luna and Angela Luz maintain good ties as they catch up for dinner with their kids. Earlier that day, Vic Sotto joins Pauleen and Paulina for lunch.
PHOTO/S: @angeleyes7889 / @pauleenlunasotto Instagram

Patuloy ang magandang samahan sa pagitan nina Pauleen Luna at Angela Luz, base na rin sa pagkikita ng dalawa kagabi, June 26.

Si Pauleen ay asawa ni Vic Sotto, at mayroon silang one-year-and-seven-month-old daughter na si Thalita Maria—o kilala sa palayaw na Baby Tali.

May anak din si Vic, si Paulina Sotto, sa ex-girlfriend niyang si Angela.

Parehong ipinost nina Angela at Pauleen ang kuha ng kanilang bonding session kasama ng kanilang mga anak.

Sabi sa caption ni Angela, kalakip ng isang heart emoji: "Thank you so much for the lovely dinner, @pauleenlunasotto"

Makikitang karga ni Pauleen si Baby Tali at naroon din si Paulina kasama ang mister nitong si Jed Llanes.

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Pauleen ang picture na iyon mula kay Angela.

VIC JOINS PAULEEN, PAULINA, JED FOR LUNCH

Bago ang kanilang pagkikita, nakasama naman ng mag-asawang Pauleen at Vic na mag-lunch sina Paulina at Jed sa isang restaurant sa Parañaque City.

Narito ang post ni Pauleen ukol dito:

Continue reading below ↓

PAULEEN AND ANGELA'S GOOD TIES

Minsang nang naiulat ang pagiging magkasundo nina Pauleen at Angela dahil sa pagiging malapit na rin ng una kay Paulina.

Lalo pa't full support si Pauleen noong ikasal si Paulina kay Jed noong 2017, bagay na ikinatuwa nang husto ni Angela.

Sabi ni Angela sa Instagram post niya noon, “It’s our love for @paulinavls that brings us together."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna and Angela Luz maintain good ties as they catch up for dinner with their kids. Earlier that day, Vic Sotto joins Pauleen and Paulina for lunch.
PHOTO/S: @angeleyes7889 / @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results