Matteo Guidicelli finishes scout ranger training; Sarah Geronimo attends his graduation

by Arniel C. Serato
Jun 27, 2019
Matteo Guidicelli kisses girlfriend Sarah Geronimo after receiving numerous commendations at his graduation from Army Ranger Orientation course today, June 27.
PHOTO/S: Courtesy: CNN Philippines / MJ Felipe on Twitter

Natapos na ni Matteo Guidicelli ang kanyang halos isang buwang training ng Scout Ranger Orientation Course sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan ngayong Huwebes, June 27.

Si Matteo ay 2nd Lieutenant sa Army Reserve Command (ARESCOM) ng Philippine Army.

Dumalo sa graduation rites ang mga magulang ni Matteo at ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Ayon sa ulat ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, sa pagtatapos ni Matteo sa training, nagawaran siya ng special recognition, letter of commendation, at scout ranger replica sa pagiging outstanding student mula sa 97 nagtapos.

Si Matteo rin ang nakakuha ng pinakamataas na grado, 92.20 percent, sa kanyang mga kasabayan.

Continue reading below ↓

Pagkatapos gawaran ng mga parangal, lumapit si Matteo sa mga magulang at humalik.

Hinalikan din niya ang girlfriend na si Sarah na nakaupo katabi ng kanyang mga magulang.

Pumasok si Matteo sa Philippine Army bilang reservist noong April 15.

Ito ay upang mapagsilbihan daw niya ang bayan sa ibang kaparaanan.

Miyembro rin siya ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli kisses girlfriend Sarah Geronimo after receiving numerous commendations at his graduation from Army Ranger Orientation course today, June 27.
PHOTO/S: Courtesy: CNN Philippines / MJ Felipe on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results