Iya VIllania speaks up about replacing Suzi Entrata in revamped Mars

by Bernie V. Franco
Jun 27, 2019
Iya Villania (left) airs her side about replacing Suzi Entrata-Abrera (right photo, with Camille Prats) in the reformatted Mars, which is now titled Mars Pa Mo. "Nung nalaman ko na I would be taking the place of Suzi, medyo nalungkot ako 'coz Mars is Suzi and Cams," Iya narrates.
PHOTO/S: Noel Orsal / @mars_suzi on Instagram

Nagsalita si Iya Villania hinggil sa pagpalit niya kay Suzi Entrata-Abrera bilang co-host ng bagong-bihis na Mars, ang Mars Pa More!

Ang Mars ay ang afternoon lifestyle talk show sa GMA News TV, kung saan sina Suzi at Camille Prats ang nagsilbing hosts sa loob ng pitong taon.

Sa revamped show, sina Camille at Iya na ang magiging hosts.

Magsisimula itong umere sa morning block ng GMA-7 sa July 8.

Sa presscon proper ng Mars Pa More! ngayong Huwebes, June 27, ipinaliwanag ni Camille na ang network ang nagdesisyong hindi na mapabilang si Suzi sa kanilang revamped show.

Ang dahilan kung bakit hindi na puwedeng maging host ng Mars Pa More! si Suzi ay dahil host na ito sa isang show sa morning block ng Kapuso network, ang Unang Hirit.

Saad ni Camille, “Na-explain din naman sa amin nang maayos why ayaw din siyang papiliin ng management na, ‘Magma-Mars ka ba o mag-u-Unang Hirit ka?’

Continue reading below ↓

Unang Hirit has been there for 11 years, I think. So, dun din siya halos nag-grow.

"And it was not an easy decision to make also, that’s why GMA didn’t have to ask her to make that decision anymore.”

IYA SPEAKS UP ON REPLACING SUZI

Pagkatapos ng presscon proper, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iya at tinanong namin kung ano ang pakiramdam niya sa sitwasyon.

Ayon kay Iya, dati pa niyang pangarap na maging host ng Mars.

Pero tanggap niyang kapag sinabing Mars, sina Camille at Suzi ang unang papasok sa isip ng mga manonood.

Kaya naman magkahalo ang naramdaman niya nang malamang sila lamang ni Camille ang magiging host ng Mars Pa More!.

“Nung nalaman ko na I would be taking the place of Suzi, medyo nalungkot ako 'coz Mars is Suzi and Cams, e.

"So, medyo nalungkot."

Pero nakapag-usap daw sila ni Suzi tungkol dito dahil magkaibigan naman sila.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Iya, “She told me na, ‘Actually lilipat siya [Mars] sa GMA, but hindi na ‘ko puwede dun because I have Unang Hirit.

"Sabi ko, ‘Ah, okay, so it’s still gonna be there.’

"Sabi niya, ‘Baka mamaya ikaw ang magpalit sa akin, e.’

"Dyinoke pa nga niya, e.”

Pero noong panahong iyon ay hindi pa raw ino-offer kay Iya ang project.

Hindi raw niya inakala na siya ang mapipisil na maging bagong co-host ni Camille.

Dalawang linggo ang makalipas mula nang magkausap sila ni Suzi, kinausap ng management si Iya para sa show.

Nagulat daw si Iya at nag-alala sa magiging reaksyon ni Suzi.

Nagkausap daw sila uli ni Suzi tungkol dito at masaya naman daw ito para sa kanya.

“It naturally came from her na happy siya na ako yung nandito,” paliwanag ni Iya ukol sa reaksiyon ni Suzi.

Continue reading below ↓

“Kinakamusta pa ako ni Suzi, ‘How was your first taping day?’

“Actually, the day before taping day, sabi niya, ‘Iya, good luck tomorrow on your first day. I’m wishing you luck. Is everything okay?’

"Para siyang ate."

Kaya naman payapa ang loob ni Iya na tanggapin ang show.

“At first, I didn’t like the feeling. I didn’t want to feel, like, I was taking something away from her.

“But as we spoke, I realized na it’s nothing that was being taken away from her because she couldn’t really do the show, because she has Unang Hirit.

“So, whether we like it or not, kukuha talaga sila ng isa pang host.

“So sabi ko, if that’s the case, then I’ll take it because it’s always something I’ve been wanting to do,” paliwanag ni Iya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iya Villania (left) airs her side about replacing Suzi Entrata-Abrera (right photo, with Camille Prats) in the reformatted Mars, which is now titled Mars Pa Mo. "Nung nalaman ko na I would be taking the place of Suzi, medyo nalungkot ako 'coz Mars is Suzi and Cams," Iya narrates.
PHOTO/S: Noel Orsal / @mars_suzi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results