Jolo Revilla keeps mum about rumored December 2019 wedding with Angelica Alita

by Rose Garcia
Jun 28, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

“Wala pa, wala pa!”

Ito ang natatawang pag-iwas ni Jolo Revilla tungkol sa napabalitang kasal nila ng kanyang fiancée, ang beauty queen na si Angelica Alita.

Dagdag pa ni Jolo, “Kayo talaga, pinangungunahan niyo ako.”

Nauna nang napag-usapan ang suot na singsing ni Angelica na posibleng engagement ring na raw.

Sumunod ay lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang ikakasal na sila sa December 2019 sa Amerika.

Nakausap ng PEP.ph at iba pang reporters si Jolo sa thanksgiving party ng pamilya Revilla para sa pagkapanalo nila noong nakaraang eleksyon.

Si Jolo ay nahalal muli bilang vice governor ng Cavite.

Ang kanyang ama na si Bong Revilla ay nanalo sa pagka-senador, habang ang kanyang ina na si Lani Mercado ay nanalo ring muli bilang mayor ng Bacoor City.

Ginanap ang thanksgiving party sa Frabelle Corporate Plaza, Makati City, noong June 26.

Continue reading below ↓

JOLO REVILLA IS HAPPY

Kasama ni Jolo si Angelica habang nag-iikot upang pasalamatan ang lahat ng bisita at sumuporta sa kandidatura nilang pamilya.

Natatawa lang din si Angelica nang hinanap ng ilang entertainment press ang diumano’y engagement ring nito.

Sabi ni Jolo sa pangungulit ng press, “Kayo naman ang unang makakaalam dahil, siyempre, parte na rin kayo ng buhay ko.

“Kahit paano, public personality pa rin kami, hindi naman namin maitatago yung side na yun.

“Malalaman at malalaman niyo rin.”

Pero sa December nga ba ang kanilang kasal?

“Wala pa po, wala pa!” natatawang pag-iwas muli ni Jolo.

Hindi naman itinanggi ni Jolo na masaya siya ngayon.

“Oo naman,” sambit niya.

“Kung merong tao na magpapasaya sa akin, siya na yun,” pagtukoy niya kay Angelica.

Dahil nasa tabi lang ni Jolo ang girlfriend, diretsahan na rin itong hiningan ng reaksiyon sa tinuran ng nobyo.

Continue reading below ↓

“Masaya rin ako,” nakangiting sabi ni Angelica.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results