Patricia Magtanong reveals feeling guilty every time she sees Gazini Ganados

by Bernie V. Franco
Jun 28, 2019
Binibining Pilipinas International 2019 Patricia Magtanong (left) explains why she feels guilty every time she sees Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.
PHOTO/S: @bbpilipinasofficial on Instagram

Inamin ni Bb. Pilipinas-International 2019 Patricia Magtanong na nakukonsensiya siya sa tuwing nakikita niya si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

Ito ay dahil sa pambabatikos na natatanggap ni Gazini mula sa followers ni Patricia.

Saad ni Patricia sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda nitong June 27, Huwebes, “Every time I approach her, I have this guilt because I know she was getting attacked by [my followers].”

Paborito ng pageant enthusiasts si Patricia, at umasa silang siya ang mag-uuwi ng pinakamataas na korona sa Binibining Pilipinas 2019, na ginanap sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City, noong June 9.

Pero kay Gazini ng Talisay, Cebu City, napunta ang Miss Universe Philippines crown.

Hindi naman itinanggi ng beauty queen mula Bataan na ang Miss Universe Philippines crown ang kanyang inasam noong gabing iyon.

"To be completely honest, Tito Boy, I did want the Miss Universe..." pag-amin ni Patricia.

"It’s what I worked for, it’s what I had my eyes on, and it’s what I prayed for."

Continue reading below ↓

Patuloy ng abugada, “But everything happens for a reason.

“So cliché to say, but it’s true.”

Ayon kay Patricia, masaya na rin siyang nakuha ang pangalawang pinakamataas na korona, lalo pa’t ilang beses nang naiuwi ng Pilipinas ang Miss International crown.

“And [Miss] International is a great crown, it’s a great pageant, and we’ve produced so many amazing winners from the Miss International pageant.

“I’m very, very happy with my crown and I’m so excited each day.

“Each day, I’m more and more excited to go to Tokyo, Japan.

“I’ve been researching on Japanese culture, I’ve been playing with my looks, as you can see, to fit the pageant.”

Ang mga Pilipinang naging Miss International ay sina Gemma Cruz-Araneta (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara-Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).

Continue reading below ↓

PATRICIA ON RELATIONSHIP WITH GAZINI

Tiniyak din ni Patricia na maganda ang relasyon nila ni Gazini.

Ikinuwento niya kung paano sila naging magkaibigan at inilarawan pa niya kung anong klaseng tao si Gazini.

“We are friends now. What I did was, I think I sat down in their table, full of girls from the other camp, and then I just started talking to them.

“And Gazini was so nice.

“On photos, she’s so fierce and so strong, but she’s such a sweet person.”

Mula sa magkaibang beauty camp sina Patricia at Gazini.

Si Patricia ay nagsanay sa ilalim ng Aces & Queens, samantalang si Gazini ay mula sa Kagandahang Flores.

Pinaghahandaan na raw ni Patricia ang pagsabak niya sa susunod na Miss International pageant na gaganapin sa Tokyo, Japan, sa November 12.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binibining Pilipinas International 2019 Patricia Magtanong (left) explains why she feels guilty every time she sees Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.
PHOTO/S: @bbpilipinasofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results