Camille Prats parts ways with Mars co-host Suzi Entrata-Abrera

by Bernie V. Franco
Jun 28, 2019
Camille Prats reveals that she and Suzi Entrata were both saddened that they will no longer be co-hosts in the revamped "Mars," which is now titled "Mars Pa More!" Suzi is replaced by Iya Villania. Meantime, Suzi will remain host of "Unang Hirit."
PHOTO/S: Noel Orsal / @camilleprats on Instagram

Masaya si Camille Prats na mananatili pa rin siyang host ng Mars sa kabila ng transition ng programa mula GMA News TV sa GMA-7.

“Well, siyempre very happy. I will still be representing Mars on GMA.

“This time excited also for the new changes that are happening on the show,” pahayag ni Camille.

Ang Mars ay ang lifestyle and magazine program ng GMA News TV na nagtagal ng pitong taon.

Sina Camille at Suzi Entrata-Abrera ang hosts nito.

Ngayon ay lilipat na ang programa sa GMA-7 at may bago nang titulo na Mars Pa More!.

Pero hindi na si Suzi ang makakasama rito ni Camille, kundi si Iya Villania na.

Tanong ng PEP.ph kay Camille: ano ang naramdaman ni Suzi nang malaman nitong hindi na sila magkasama?

Saad ng actress-TV host, “Siyempre malungkot. It was devastatingly sad for the both of us.

“Somehow it almost felt like a breakup, alam mo yun?

Continue reading below ↓

“Pero hindi na kasi namin control yun. It’s beyond our control, it’s the management’s decision.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille sa presscon ng Mars Pa More! nitong Huwebes, June 27.

THE BIG PICTURE

Sa presscon proper, ikinuwento ni Camille na hindi na pinapili ng GMA management si Suzi kung gusto ba nitong maging host pa rin ng Mars Pa More! o manatili bilang host ng morning program na Unang Hirit.

Ang Mars Pa More! ay ipapasok sa morning block ng GMA-7.

Saad ni Camille, “I’m sure they see something that we don’t.

“Siyempre tayo bilang mga ano, we act emotionally, kasi yun yung gusto natin.

“But we don’t really see the big picture. Yun ang nakikita ng management.”

Dagdag niya, “Ang mahalaga lang sa akin, it’s actually a win-win situation.

Continue reading below ↓

“You’ll still see us in the morning block.

“You’ll see Ate Suzi in the morning in Unang Hirit.

“You’ll get to see her spunk, her funny antics, her wittiness, yung mga dance moves niya.

“You’ll still get to see that.

“And then at 8:50 in the morning, Mars naman yung makikita mo, so it’s a win-win situation.

“Nobody really lost anything.”

Ayon pa kay Camille, nakatulong ding magkaibigan sina Suzi at Iya para maging magaan sa loob ni Suzi.

“Knowing it’s gonna be Iya will be my new Mars, kaibigan niya kasi si Iya, e.

"So somehow, siguro may blessing naman si Iya ni Ate Suzi na passing on the Mars crown to her.”

Magsisimulang umere ang Mars Pa More! sa July 8, Lunes ng umaga.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille Prats reveals that she and Suzi Entrata were both saddened that they will no longer be co-hosts in the revamped "Mars," which is now titled "Mars Pa More!" Suzi is replaced by Iya Villania. Meantime, Suzi will remain host of "Unang Hirit."
PHOTO/S: Noel Orsal / @camilleprats on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results