Joshua Garcia, Julia Barretto admit going through rough patch; deny involvement of Gerald Anderson

by Bernie V. Franco
Jun 28, 2019
Joshua Garcia and Julia Barretto: "For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin… which is pagiging best friend."
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram

Inamin nina Joshua Garcia at Julia Barretto na dumaan sa isang pagsubok ang kanilang relasyon.

Kasabay nito, sinabi rin ng Kapamilya stars na balik muna sa pagiging "best friends" ang kanilang samahan.

Ito ay kasunod ng lumabas na balitang break na ang magkasintahan.

Sa eksklusibong panayam sa kanila ng ABS-CBN News entertainment reporter na si MJ Felipe, tinanong sina Joshua at Julia kung totoong hiwalay na sila.

“Hindi totoo yun. May pinagdaanan lang kami,” tanggi ni Joshua.

“Pero okay kami ngayon. Masaya kami ngayon, and napagdesisyunan namin na for now…” sabay tingin ni Joshua kay Julia.

Matagal na nagtinginan ang dalawa na tila hinihintay kung sino ang dapat sumagot sa kanila.

Hanggang sa si Julia na ang nagsabing, “For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin…”

Pagpapatuloy ni Joshua, “…which is pagiging best friend.”

Saad pa ni Julia, “Right now, we're the bestest of friends. We have managed to remain the bestest of friends…”

Continue reading below ↓

Na-interview ang dalawa sa ToyCon 2019 na ginanap sa SMX Mall of Asia Arena, Pasay City, ngayong Biyernes, June 28.

Naroon sina Joshua at Julia bilang bahagi ng cast ng upcoming movie na Block Z.

JULIA BARRETTO DENIES GERALD ANDERSON INVOLVEMENT

Diretso ring tinanong ang dalawa kung may third party involved sa kanilang relasyon, partikular si Gerald Anderson na na-link kay Julia.

Noong Mayo, ipinalabas ang pelikulang pinagtambalan nina Julia at Gerald, ang Between Maybes.

Pagtatanggol ni Joshua sa dalawa, “Parang di naman totoo yun.

"Parang di naman magagawa sa akin ni Julia yun, tsaka magagawa kay Gerald. Kuya ko na yun, e…”

Umiwas naman si Joshua nang tanungin kung ano ang pinag-ugatan ng pinag-awayan nila ni Julia.

“Bigay niyo na lang sa amin yun. Kumbaga, para na lang sa aming dalawa yun kung ano yung nangyari.”

Sabi naman ni Julia, “I think, like a normal couple, you’ll go through phases at some seasons in that relationship.

Continue reading below ↓

“But I’m glad kami ni Josh... there was constant communication…”

June 5 nang nasulat sa PEP.ph ang matalinhagang posts at pahayag nina Joshua at Julia dahilan upang magsuspetsa ang mga netizen na hiwalay na sila.

Sa vlog na ipinost ni Erich Gonzales noong June 1, tinanong niya si Julia kung in love ba ito.

Mahaba ang naging sagot ni Julia, pero hindi niya binanggit kahit minsan ang pangalan ni Joshua.

Sa sagot ni Julia, may sinabi siya tungkol sa mga taong toxic sa buhay na nagpapakumplika rito at kailangang magdesisyon kung ano ang makabubuti sa sarili.

Naging matalinhaga rin ang tweet ni Joshua noong June 3: “i’m a thinker, not a talker.”

Sabi naman ng ilang netizens, parinig ito kay Julia na mas piniling magsalita kesa sa manahimik.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia and Julia Barretto: "For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin… which is pagiging best friend."
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results