Andrea Torres mum on Derek Ramsay-Joanne Villablanca breakup

by Rommel Gonzales
Jun 29, 2019
Andrea Torres refuses to comment on her The Better Woman co-star Derek Ramsay's breakup with longtime girlfriend Joanne Villablanca: “Actually, wala akong masasabi kasi hindi ako involved. Iyon yun, e."
PHOTO/S: Noel Orsal

Matapos maging leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, magbibidang muli si Andrea Torres sa bagong teleserye ng GMA-7 na The Better Woman.

“Siyempre po ano, very positive!

“Mas gusto kong mag-focus dun.

“Siyempre andun yung kaba, may pressure, pero mas gusto ko pong i-embrace na napakalaking blessing niya.

“Kasi tinrabaho ko rin naman po.

“Ang tagal din, years din talaga.

“Minsan nga nag-iisip ako, kasi everytime na nakakaramdam ako ng antok, or pagod, parang naglu-look back ako.

“So, na-realize ko a few days ago na parang, ‘Wow, naka-ten years na rin pala ako!’

“Tagal na rin pala. Ten years with GMA, ang tagal na rin!

“So ang sarap lang, ang sarap ng pakiramdam,” pag-amin niya.

THANKFUL TO GMA-7

Ano ang pakiramdam na sa pagbabalik ni Derek Ramsay sa GMA ay siya ang ipinareha ng Kapuso Network sa hunk actor?

Continue reading below ↓

“Honored po ako!

“Inaalagaan ko talaga yung trust na ibinigay nila sa akin.

“Lahat naman ng show na ipinagkatiwala sa akin, more than one hundred percent talaga yung output na binibigay ko sa kanila.

“So ito mas lalo na!

“Two hundred percent,” at tumawa si Andrea.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Andrea sa mediacon ng The Better Woman na ginanap sa Prime Hotel, South Triangle, Quezon City nitong nakaraang June 27.

HANDLING BASHERS

Dumanas ng matinding pamba-bash si Andrea noong maging leading lady siya ni Alden sa Victor Magtanggol.

Karamihan sa bashers niya ay mga fans ng AlDub tandem nina Alden at Maine Mendoza na tutol noon sa pagka-cast ni Andrea (at Janine Gutierrez) bilang female lead stars ng Victor Magtanggol.

Dito sa The Better Woman, sa palagay ba niya ay may mga bashers din siya?

Lahad niya, “Feeling ko sa lahat naman, magkakaroon at magkakaroon, kasi nga hindi naman lahat gusto ka, e.

Continue reading below ↓

“Pero feeling ko, alam ko na kung paano siya i-handle.

“Big difference.”

NO COMMENT ON DEREK'S BREAKUP WITH GF

Nagsisimula na nga ang pang-iintriga kay Andrea.

Isinasangkot siya sa hiwalayan nina Derek at girlfriend nitong si Joanne Villablanca.

Nagkataon kasing habang nagte-taping sina Andrea at Derek ng The Better Woman ay lumabas ang balitang hiwalay na sina Derek at Joanne matapos ang anim na taong relasyon.

“Actually, wala akong masasabi kasi hindi ako involved,” bulalas ni Andrea.

“Iyon yun, e.

“I mean, ibig kong sabihin sa hindi ako involved, na parang… wala naman akong alam sa kung anumang nangyari.

“So ayoko ring mag-comment po.

“Mas focused kaming dalawa sa work, sa show, iyon.”

Hindi rin naman nila napag-usapan ni Derek ang tungkol sa nangyaring hiwalayan.

Hindi rin daw niya tinanong si Derek tungkol dito.

Aniya, “Ayoko namang magtanong ng mga ganun.

Continue reading below ↓

“Parang, I think pareho kasi kaming sobrang tutok dito sa The Better Woman.

“Kasi pareho kaming may gustong patunayan.”

Ano ang nais patunayan ni Andrea?

Giit niya, “Gusto kong patunayan na reliable actress ako.

“Kasi siyempre, extremes yung role, so gusto ko namang masabi nila na, ‘Ay, artista ito, aktres!’

“Ganyan.”

Sa The Better Woman ay gaganap si Derek bilang Andrew de Villa at si Andrea bilang kambal na may magkaibang pagkatao na sina Jasmine de Villa at Juliet Santos-de Villa a.k.a Elaine Reyes.

READY TO FACE INTRIGUES

Inaasahan ni Andrea na mali-link sila ni Derek dahil pareho silang loveless ngayon.

Ani Andrea, “Hindi naman po siguro maiiwasan kasi pag napanood nila yung story, in-love na in-love yung dalawang babae sa kanya.

"So marami talagang eksenang sweet, o kaya medyo sexy.”

DEREK'S ENDEARING TRAITS

Imposible o posible bang magkagusto ang isang Andrea Torres sa isang Derek Ramsay?

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “I think may reason kung bakit siya gusto ng maraming tao or hinahangaan ng maraming babae.

“And nakikita ko yun.

“Nakikita ko na mabuti siyang tao, marespeto, may values, humble, ganyan.”

“Guwapo at may abs…

“Hahaha!

“So ano, given na yun.

“Pero ngayon kasi, dun talaga ako sa show namin naka-focus.”

READY TO FACE BASHERS ANEW

Handa na ba si Andrea na harapin ang mga bashers, na siya ang iturong dahilan ng hiwalayan nina Derek at Joanne?

Pag-amin niya, “Oo, part naman yun, e.

“Part naman yung ng pagtanggap mo nung show.”

Nasa The Better Woman din sina Ms. Jaclyn Jose as Erlinda Santos; Ina Feleo as Angela de Villa Castro; Marco Alcaraz as Glenn Santiago; Ashley Rivera as Chesi Rodriguez; Paolo Paraiso as Joross Baltazar; at Francis Makil as Amy Santos.

Ang The Better Woman ay sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres refuses to comment on her The Better Woman co-star Derek Ramsay's breakup with longtime girlfriend Joanne Villablanca: “Actually, wala akong masasabi kasi hindi ako involved. Iyon yun, e."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results