Jaclyn Jose lauds daughter Andi Eigenmann's positive disposition: "Mas mabait siya ngayon."

by Ruel J. Mendoza
Jun 29, 2019
Jaclyn Jose on daughter Andi Eigenmann's positive changes: “Mas bumait siya ngayon. Sa totoo lang, nagulat ako sa magandang change na ito kay Andi. Dati kasi laging galit yan, e. Ngayon talagang nag-mature na siya. Nawala na ang pagiging brat niya."
PHOTO/S: Noel Orsal

Matagal ding nagpahinga sa paggawa ng teleserye ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Huli siyang napanood sa GMA-7 teleserye na The Cure na natapos noong July 2018.

“Medyo nagbakasyon muna ako sa paggawa ng teleserye last year.

“Noong 2017 kasi, nagsunud-sunod ang mga ginawa kong teleserye like D'Originals and Alyas Robin Hood. Lumabas din ako sa My Korean Jagiya.

“After The Cure, nagpasabi ako na rest muna ako sa TV kasi may gagawin akong mga movies.

“I did yung Fantastica para sa Metro Manila Film Festival, 'tapos may dalawang indie films akong ginawa nang magkasabay.

“Noong matapos na lahat, nag-relax-relax muna tayo bago ulit tumanggap ng bagong project.

“When I said na okey na ako to work again, heto at binigay nila itong The Better Woman where I play the mother of twins, both played by Andrea Torres.

“Medyo nanibago ulit ako sa pagtrabaho sa set. Ang tagal kasi ng bakasyon ko.

Continue reading below ↓

“Almost nine months din akong walang TV drama, e puro iyakan pa ang mga eksena.

“Kaya nag-adjust ulit ang katawan ko sa trabaho,” kuwento ni Jaclyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong media launch ng The Better Woman sa Prime Hotel, Quezon City noong nakaraang June 27.

HAPPY TO WORK AGAIN WITH ANDREA AND DEREK

Natuwa si Jaclyn nang malaman niyang sina Andrea Torres at Derek Ramsay ang makakasama niya sa The Better Woman.

Ilang beses na raw kasi niyang nakatrabaho ang dalawang ito kaya alam niyang professional ang mga ito.

“Si Andrea, apat na beses ko nang nakatrabaho.

“Mula pa sa The Millionaire's Wife, Alyas Robin Hood, Alyas Robin Hood 2 at nakapag-guest siya sa D'Originals.

“Si Derek naman, nakasama ko siya sa movie na A Secret Affair.

“Pareho naman silang mahusay sa trabaho nila.

“Si Andrea, gumagaling siya every time na nakakasama ko siya.

Continue reading below ↓

“Dito nga sa isang scene namin sa The Better Woman, nagulat ako kasi ang haba ng dialogue niya, naka-one take lang kami.

“May kasama pang iyak iyon at galit. Kaya natuwa ako na she really improved a lot.

“Si Derek naman, napakabait na tao niyan.

“Yan ang taong hindi kailangan magtrabaho dahil ang yaman-yaman niya.

“Pero acting is his passion and he's doing good sa bawat labas niya.

“Pero sa totoo lang, he doesn't need to work. Parang bisyo na lang sa kanya itong paglabas sa TV at pelikula,” tawa pa ni Jaclyn.

ANDI CHANGES FOR THE BETTER

Samantala, excited na si Jaclyn sa pagdating ng ikawalang apo niya mula sa anak niyang si Andi Eigenmann.

Sa second week of July na raw ang due date ni Andi sa anak nito mula sa boyfriend niyang si Philmar Alipayo.

Lahad niya, “It's going to be a girl again for Andi.

Continue reading below ↓

“Ako naman, kahit na ano pa ang gender ay masaya ako dahil may bagong apo ulit ako.

“Excited na rin si Ellie kasi magiging big sister na siya.”

Labis na ikinatuwa raw ni Jaclyn ang malaking pagbabago sa personalidad ni Andi.

Sabi niya, “Mas bumait siya ngayon.

“Sa totoo lang, nagulat ako sa magandang change na ito kay Andi.

“Dati kasi laging galit yan, e.

“Konting pangaral mo diyan, sumasagot at nakasinghal. Lagi kaming nagtatalo.

“Ngayon talagang nag-mature na siya. Nawala na ang pagiging brat niya.

“Maganda naman ang nangyaring ito kasi para rin naman sa kanya iyon. Siya na ang nagbago talaga.

“Sabi ko nga, mas gusto ko ang version na ito ni Andi.

“Hindi na kami nag-aaway tulad dati. Kalmado na ang anak ko kasi masaya na siya sa buhay niya.

“Kung masaya ako, mas masaya ang apo kong si Ellie kasi nakikita niyang laging happy ang mommy niya,” ngiti pa niya.

Continue reading below ↓

PHILMAR'S POSITIVE INFLUENCE

Naging maganda raw ang impluwensiya ni Philmar kaya nagkaroon ng malaking pagbabago kay Andi.

Pagkumpirma niya, “Oo naman. May kinalaman din si Philmar sa mga pagbabago kay Andi.

“Nakita ko kasi na maasikaso siya kay Andi at na-adapt ni Andi yung pagiging simpleng tao lang ni Philmar.

“Naging maingat na rin si Andi sa mga kinakain niya. Pati na ang pagiging maingat sa kalikasan ay nakuha niya kay Philmar.

“Siyempre noong una, medyo apprehensive tayo sa pagsasama nila.

“Naisip ko noon na it's either si Andi ang hindi makatagal sa buhay na pinili niya or si Philmar ang susuko kay Andi.

“Pero dahil sa nakita kong pagbabago kay Andi at masaya silang nagsasama, sabi ko, 'Aba, maganda naman pala ang resulta. Bumait ang anak ko!'”

NOT YET READY TO TIE THE KNOT

Pabor din daw si Jaclyn sa desisyon ni Andi na huwag munang pakasal kay Philmar.

Continue reading below ↓

“Sang-ayon naman ako sa desisyon ni Andi.

“Kasi nga kailangang sigurado ka, di ba?

“Hindi ka basta na lang papasok sa pagpapakasal kung may doubts ka pa.

“Hindi ko sinasabi na may doubts pa siya kay Philmar, dahil magkakaroon na sila ng anak at maganda ang pagsasama nila.

“Siguro nagiging maingat lang silang dalawa sa mga desisyon nila.

“Kung ano naman ang desisyon ni Andi, sa kanya lahat yan at hindi ako nakikialam.

“Nababalitaan ko na lang at magtatanong ako sa kanya.

“Si Andi kasi, bata pa lang yan, kung ano ang nasa isip niyan ay sinasabi niya.

“She's a very independent person kaya may tiwala ako sa kanya when she decides on something.

“Di na ako kumokontra dahil nasa tamang edad na siya at maganda na ang nangyayari sa buhay,” masayang pagpapasalamat ni Jaclyn.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose on daughter Andi Eigenmann's positive changes: “Mas bumait siya ngayon. Sa totoo lang, nagulat ako sa magandang change na ito kay Andi. Dati kasi laging galit yan, e. Ngayon talagang nag-mature na siya. Nawala na ang pagiging brat niya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results