Angel Locsin and Neil Arce are now engaged

by Bernie V. Franco
Jun 29, 2019
Angel Locsin and boyfriend Neil Arce confirm engagement via Instagram.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

"I said YES."

Ito ang post ni Angel Locsin tungkol sa pagpu-propose sa kanya ng boyfriend niyang si Neil Arce ngayong Sabado ng hapon, June 29.

Sunud-sunod ang post ni Angel suot ang engagement ring nang mag-propose ang kanyang boyfriend.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod din ang pagre-react ng mga artista matapos mag-post ng dalawa.

Sa pinakaunang post ni Neil dakong ika-4:00 ngayong hapon, makikita ang kamay ng isang lalaking may hawak na diamond ring na tila bahagyang itinatago, habang sa background ay isang babaeng nakatayo na blurred ang mukha pero kahulma ng tindig ni Angel.

Continue reading below ↓

Bagamat tila palaisipan ang dating ng nasabing post, nakumpirma agad ng kanilang followers na si Neil mismo ang lalaking may hawak ng diamond ring, dahil sa malaking tattoo sa kanyang kanang braso.

Caption ni Neil: “Excuse me miss… I have a question…”

Sa comments section, sunud-sunod ang mga artistang nagkomento upang ipahayag ang kanilang tuwa, kabilang na ang mga malalapit na kaibigan ng dalawa kagaya nina Dimples Romana at Boy 2 Quizon.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga artistang napa-react ay sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Barbie Imperial, Maris Racal, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Raymond Gutierrez, Jerald Napoles, Coleen Garcia, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Tuluyan nang nakumpirma ang engagement nila sa sumunod na post ni Neil.

Continue reading below ↓

February 2018 nang aminin nina Angel at Neil ang kanilang relasyon.

Pero bago pa ito mangyari ay matagal na silang magkaibigan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin and boyfriend Neil Arce confirm engagement via Instagram.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results