Ashley Rivera ready to step up to mommyhood

by Ruel J. Mendoza
Jun 30, 2019
Kapuso actress/comedienne Ashley Rivera feels that she's more than ready to step up to mommyhood. However, despite being single for the past two years, she's not in a rush to find Mr. Right.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa edad na 27 ay gusto na raw magkaroon ng anak ng Kapuso actress na si Ashley Rivera.

Two years na raw kasing single si Ashley at sana raw, sa susunod na makilala niyang guy ay iyon na ang “the one” para sa kanya.

“At my age now, feeling ko gusto ko nang maging mommy.

“Ayoko na kasing paabutin pa sa edad na 35 or 40 bago ako magkaroon ng baby.

“Kung puwede ngang mabuntis na ako agad-agad, why not?

“Siguro naiinggit lang ako sa ibang mga kaibigan ko na may mga anak na.

“May iba na silang pinagkakaabalahan and I feel na I want that also.

“Pero sana afam [foreigner] ang maging ama ng first baby ko.

“Gusto ko kasi na maganda ang kulay ng mata ng baby ko at mas mapaganda pa ang lahi namin!

“Sana may silbi ang pagpapa-blonde ko ng buhok!” tawa pa ni Ashley nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng GMA-7 primetime teleserye na The Better Woman.

Continue reading below ↓

PET POODLE

Habang searching pa rin si Ashley ng kanyang “the one,” ang pinagpapraktisan daw niya ngayon bilang baby niya ay ang kanyang pet toy poodle named Charlie Poop.

“Yeah, sa aso ko muna binubuhos ang pagiging mommy ko.

“Kaya I don't go anywhere without Charlie.

“Parang naging emotional companion ko na siya.

“Tsaka with Charlie, natututo akong i-manage ang time ko nang maayos.

“May time na kailangan paliguan ko na siya, pakainin sa tamang oras at ihele kapag sleepy na siya.

“Sabi nga nila, kung naging maalaga ka sa isang animal, what more sa isang tao, di ba?

“Hopefully, hindi lang aso ang alagaan ko at isang tunay na baby na,” dasal niya.

BEKI MAGNET?

Dahil two years na siyang single, marami raw sa mga friends niya ang gusto siyang ipa-blind date.

Pero si Ashley na ang nagsasabi na pass muna siya sa dating dahil twice na raw siyang nalinlang ng mga naka-date niyang lalake.

Continue reading below ↓

“Sa totoo lang, ayoko nang matanso ng mga bading!

“Hindi ko alam kung magnet ako sa mga ganyan o gusto lang nila akong gawin props.

“After my breakup, I tried going back to dating.

“I met this guwapong male model and we went out.

“Pero the next day, may tumawag na beki sa phone ko at inaway-away ako.

“Siya raw yung boyfriend ng model na naka-date ko.

“Then, I met and dated another male model. Ganun din pala! Inaway-away ako ng beki partner niya!

“Kaya I gave up na on dating. Ayoko na muna at parang na-traumatize ako.

“Ayoko na nang maloko pa ng mga nagpapanggap na mga lalake.

“Much better na hintayin ko na lang siyang dumating.

“Siguro naman God has someone for me and he's just out there,” panalangin niya.

CLOSE FRIENDS WITH ANDREA

Sa teleserye na The Better Woman ay gumaganap si Ashley bilang si Chesi, best friend and roommate ng isa sa kambal na ginampanan ni Andrea Torres.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Voice of reason ako ni Andrea rito who both plays Jasmine and Juliet.

“Si Juliet yung lagi kong kinokonsensya dahil may mga ginagawa siya ng hindi tama.

“I always tell her na pag-isipan niya nang ilang beses ang gagawin niya bago pa may ibang tao na masaktan.

“Kami ni Andrea, we've been good friends since we worked with each other sa Bubble Gang.

“Noong mawala siya sa show, we've kept in touch at paminsan-minsan, if we are not busy, we would meet up for lunch or coffee para magkuwentuhan.

“Andrea is one of my closest friends in this business.

“Kaya natuwa ako na nagkasama kami sa isang teleserye.”

THANKFUL FOR TV PROJECTS

Happy naman daw si Ashley sa mga projects na bigay sa kanya ng GMA-7.

Pagpapasalamat niya, “Wala naman akong reklamo.

“Nakilala talaga ako as a social media comedienne dahil sa aking Petra Mahalimuyak na series on YouTube, pero nabibigyan naman ako ng dramatic roles like the ones I did for My Special Tatay and Legally Blind.

Continue reading below ↓

“Kaya ko naman pala mag-drama-drama.

“Pero more at home ako sa comedy like the roles I did for The One That Got Away, Meant To Be and Super Ma'am.

“Dito sa The Better Woman, babaeng bakla ako kaya may mga hirit ako na nakakatawa sa scenes namin ni Andrea parati.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress/comedienne Ashley Rivera feels that she's more than ready to step up to mommyhood. However, despite being single for the past two years, she's not in a rush to find Mr. Right.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results