Alex Gonzaga reaffirms tough stance against dad's basher

by Melba R. Llanera
Jun 30, 2019
Alex Gonzaga (left, shown with Mommy Pinty and Daddy Bonoy Gonzaga) reaffirms her stand against her dad's basher: “Totoo nga yung sinabi ng ate ko na pag kami naba-bash, okay lang. Pero pag yung magulang mo, iba."
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram

Dahil kilala siya bilang prangka at totoo, hindi inatrasan ni Alex Gonzaga ang isang basher na nanlait sa ama niyang si Carlito “Bonoy” Gonzaga nang matalo ito sa nakaraang midterm elections bilang mayor ng Taytay, Rizal.

Pagkatapos kasi mag-post ng Kapamilya actress/vlogger ng throwback picture kasama ang mga magulang kuha sa trip nila sa Amsterdam, isang netizen ang nagkomento sa post niya at nagsabing madami nang time si Daddy Bonoy dahil natalo ito.

Continue reading below ↓

Sinagot naman ito agad ni Alex at ipinagtanggol ang kanyang ama.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Kapamilya actress/vlogger nung nakaraang Linggo, June 23, sa ASAP Natin 'To, kinuwento ni Alex ang rason kung bakit di niya napigilan ang sarili sa pagsagot sa naturang basher.

Lahad niya, “Totoo nga yung sinabi ng ate ko na pag kami naba-bash, okay lang.

“Pero pag yung magulang mo, iba.

“Parang nabubuwisit ka na parang, 'Ano ang karapatan mo na ganyanin ang mahal ko sa buhay?'

“Siyempre, lalo na yung sa daddy ko na parang may mga ibang tao na di naman nila kilala ang daddy ko...

“'Tapos, di naman nila alam ang mga nagawa ng daddy ko, naitulong ng daddy ko...

“So, parang they are celebrating someone's misfortune.

“Parang for me it's not right, 'tapos kukutyain mo pa.

Continue reading below ↓

“'Tapos, sa page ko. Okay lang naman sa ibang page, pero wag sa page ko.”

DAD UNRUFFLED BY ELECTION LOSS

Nang kumustahin namin si Daddy Bonoy, siniguro sa amin ni Alex na maayos ang ama at agad naman nitong natanggap ang naging resulta ng eleksyon.

Kibit-balikat niya, “Okay lang. Parang wala namang ano yun, e.

“Kasi bago naman pumasok yun, alam naman niya na may chance manalo, may chance matalo, so okay na yun.

“Sabi niya, 'Sa tagal ko sa mundo, alam ko na yung ganyan. Di ninyo na kailangang mamroblema.'”

BOYFRIEND TO START TERM AS COUNCILOR

Kung hindi man pinalad ang ama, nanalo naman ang boyfriend ng Kapamilya actress na si Mikee Morada bilang konsehal ng Lipa, Batagas.

Tinanong namin si Alex kung hindi magiging problema para sa kanila ang kakulangan sa oras ngayong mas abala na ang boyfriend niya sa bagong katungkulan nito sa Lipa.

Continue reading below ↓

“July pa naman ang start, pero ngayon busy siya sa preparations.

“Aral siya, 'tapos lagi silang may meeting para sa start ng kanilang upo.

“Oras, basta gusto may paraan, pag ayaw may dahilan.

“Ginagawan naman namin ng paraan. So heto, sa awa ng Diyos, one year na kaming di nagkikita.

“Hindi, joke lang!” biro niya.

SONG FOR MOM

Naging isang malaking tagumpay ang single ni Alex na “Chambe, Chambe” na kanta niya para sa pamangkin niyang si Seve.

Ngayon naman ay gumagawa na rin ang kanta niyang “Tipints” na handog naman ni Alex sa inang si Mommy Pinti Gonzaga.

Kuwento ni Alex, “Itong 'Tipints' ay ginawa talaga yan Mother's Day, kaso nagkaroon ng eleksyon, naging busy lang.

“Di ko nga alam kung bakit sinasabi nila single.

“Kanta lang talaga siya para kay Mommy.

“I know di naman lahat makaka-relate kasi di naman lahat ganun ang experience.

Continue reading below ↓

“Pero it turns out na marami pala ang nakaka-relate. Si Mommy Pinti pala ay generic na nanay.

“Mommy ko, gusto ko lang siyang asarin sa mga kanta, yun lang.

“Nung una, nung nalaman niya yung thought, sabi niya nakaka-excite, pero dine-deny niya yung sinabi niya.

“Nung una niyang narinig, akala niya minumura ko siya. 'Ang ina! Ano ba yun?"

“Sabi ko, 'Hindi, wala.'

“Hayun, nag-e-enjoy naman siya.

“Feeling nila pinagkakakitaan ko sila, pero feel na feel naman nila pag may nagpapa-picture sa kanila, may mga nai-starstruck sa kania.

“Nagpi-feeling din sila.”

MOVIE WITH XIAN

Isa ring pelikula na pagtatambalan nila ni Xian Lim ang sisimulan ni Alex.

Excited dito ang aktres lalo't fan pala siya ng KimXi loveteam.

Masaya niyang pahayag, “I'm so excited, actually this is my concept, natutuwa naman ako na na-develop ng Ten17 and TinCan 'tapos Viva will also produce it.

Continue reading below ↓

“I'm really happy to be able to do a movie with Ten17, TinCan and Viva, with Xian and Direk RC, same director of Mary, Marry Me.

I Love The Way You Lie is about isang tao na gusto niyang makahanap ng way para sa dead niyang asawa.

“Ako yung magiging way but makikipag-compete ako dun sa asawa niya na patay.

“Parang ganun, magkakagusto din ako.

“Fan ako ng KimXi noon pa.

“Saka dati pa nakatrabaho ko na si Xi, unang-una pa lang niya sa My Girl.

“Unang-una niyang eksena, kami ang magkasama.

“So happy naman ako, 'tapos ka-work ko sa PBB si Kim, so I know everything is okay.

“Walang magiging ilangan.”

Marami na ring subscribers ang vlog ng kapatid na si Toni Gonzaga.

Biro nga sa amin ni Alex, iba-bash niya ang vlog ng kanyang Ate gamit ang dummy account.

Continue reading below ↓

Natatawang hirit niya, “Ngayon gumagawa ako ng.mga dummy accounts para i-bash naman siya.

“Lagi din naman niyang pinapakita sa akin ang mga pinu-post niya, very supportive naman.

“Basher pala ako! Hahahaha!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga (left, shown with Mommy Pinty and Daddy Bonoy Gonzaga) reaffirms her stand against her dad's basher: “Totoo nga yung sinabi ng ate ko na pag kami naba-bash, okay lang. Pero pag yung magulang mo, iba."
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results