Sa Instagram post ni Ai-Ai delas Alas noong Sabado, June 29, tila pinangaralan niya ang ilang netizens na nagrereklamo sa ginagawang hakbang ng gobyerno at elected officials upang maisakatuparan ang planong pagtaas ng sahod ng mga guro at nars.
Sa mga komento raw kasing nababasa niya sa Facebook, nagrereklamo ang ilang netizens kung bakit teachers at nurses ang uunahing magkakaroon ng salary increase at bakit silang iba ang propesyon ay hindi.
Sinamahan ito ng Comedy Queen ng isang screenshot ng balita mula sa isang tabloid na may titulong “Taas-sahod ng guro, nurse uunahin ni Bong Go.”
Pahayag ni Ai-Ai sa kanyang caption [published as is]:
“Magandang umaga, nakita ko lang sa facebook ang article na ito .. una salamat po SENATOR at tataasan nyo ang sweldo ng mga nurses at teachers.. nakakalungkot lang at nakakainis mga comments..
"mga ate, kuya, nanay at tatay or kung may lolo at lola na nag facebook at nag comment dun una sa lahat imbis na MAG REKLAMO KAYO NA BAKIT GANUN TEACHERS LANG AT NURSES blah blah eme eme bakit kami d ksali chuchu ek ek ...
"1) una dapat bago kayo mag reklamo mag pasalamat kayo at tataasan ang sweldo ng mga nurses at teachers na kamag anak nyo or kayo mismo ...
"2) kaya minsan ang tagal nating umunlad kasi mas inuuna naten reklamo sa lahat ng bagay
"3)isip isip lang din po tayo BAKIT UUNAHIN ANG TEACHERS AT NURSES ? Sa aking opinyun uunahin dahil ang mga magagaling nating nurses at teachers sa liit ng sahod LAHAT GUSTO MAG TRABAHO SA ABROAD -- mga doktor nga naten dito nasa abroad na din nag na nurse kasi malaki kita sa abroad --//pag nangyre yun sino na ma tuturo sa mga anak naten na magagaling at mag gagamot sa atin kung lahat sila nasa abroad na (GETS?)
"4) pwede naman pong maghintay hindi naman lahat pwede sabay sabay tataasan, may budget ang gobyerno sa Lahat ng mga proyekto nila
"5) moral lesson sa buhay ko ayoko ng mag facebook sa umaga pag ganito ang nababasa ko lakas maka nega kaloka ... ok bye #isipisipbagomagreklamo
"#pinoymatutogmagintay #gawamunabagoreklamo #magpasalatsalahangblessingsdapat"



Disabled ang comments section sa post na ito ng Kapuso star.
