Maja Salvador, Rambo Nunez get teased about proposal after trip to Europe

by Bernie V. Franco
Jul 2, 2019
Maja Salvador and businessman boyfriend Rambo Nuñez post on Instagram some photos from their recent European trip.
PHOTO/S: @iammajasalvador and @rambonunez on Instagram

Sunud-sunod ang posts ni Maja Salvador at boyfriend nitong si Rambo Nuñez sa social media ng mga larawang kuha mula sa kanilang recent European trip.

Base sa kanilang Instagram posts, nagbakasyon ang magkasintahan sa Italy at Switzerland nitong June.

Nitong nakaraang weekend, nag-post si Maja ng picture nila ng kanyang businessman boyfriend at nagpasalamat dito dahil sa kanilang bakasyon.

Kasama nilang nagbakasyon ang pamilya ni Rambo.

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagpaplano na rin sina Maja at Rambo kung saan ang susunod nilang trip abroad.

Samantala, sa isang post ni Rambo ay tinukso ito ng kanyang mga kaibigan, gaya ni Ervic Vijandre, kung kailan siya magpo-propose kay Maja.

Sumakay naman si Rambo sa biruan at tinanong ang mga ito kung pupunta ba sila.

Continue reading below ↓

Umoo naman ang mga kaibigan ni Rambo, pero sabay bawi ang huli na ang birthday niya ang kanyang tinutukoy dahil July ang birthday month niya.

Continue reading below ↓

February nitong kasalukuyang taon nang kumpirmahin ni Maja ang pagbabalikan nila ni Rambo, pagkatapos ng sunud-sunod na paglabas ng larawan nilang magkasama sa social media.

Unang na-link ang dalawa noong 2010 pero naging pribado ang kanilang relasyon.

Read Next
Read More Stories About
Maja Salvador, Rambo Nunez
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador and businessman boyfriend Rambo Nuñez post on Instagram some photos from their recent European trip.
PHOTO/S: @iammajasalvador and @rambonunez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results