John Lloyd Cruz posts another teaser picture with Bea Alonzo for "secret project"

by Arniel C. Serato
Jul 2, 2019
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo look cozy together in this picture taken last May in El Nido, Palawan.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook

Muling kinasabikan ng fans ng tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang bagong post ng aktor sa Facebook ngayong araw, July 2.

Ito ay larawan ng perennial love team.

Kuha ang larawan sa "secret project" nina John Lloyd at Bea na kinunan sa El Nido, Palawan noong Mayo.

Kahit unang lumabas na chance encounter lamang ito ng dalawa, makikita naman sa video at mga larawang nagsilabasan na may kasama silang crew.

Continue reading below ↓

Sa isang panayam kay Bea, sinabi nitong sikreto pa ang nasabing proyekto at masaya siyang nakasama ulit si John Lloyd, na nakatrabaho niya sa sampung pelikula at teleserye sa bakuran ng ABS-CBN.

Kabilang sa pinakasikat nilang pinagsamahan ay ang Star Cinema Movie na One More Chance (2007), kung saan tumatak sa publiko ang mga karakter nila bilang Popoy at Basha.

Unang nakilala at sumikat ang love team nina John Lloyd at Bea sa ABS-CBN teleserye na Kaytagal Kang Hinintay noong 2002.

Kabilang pa sa mga pinagtambalan nilang teleserye ay ang It Might Be You (2003), Maging Sino Ka Man (2006), Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik (2007), I Love Betty La Fea (2008), at A Beautiful Affair (2012).

Nagtambal din sila sa box-office hit movies na One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), The Mistress (2012), at A Second Chance (2015).

Ayon pa sa mga lumalabas na balita, may balak daw si John Lloyd na magbalik-showbiz.

Ngunit, walang makapagkumpirma rito.

Continue reading below ↓

Huling napanood si John Lloyd sa sitcom na Home Sweetie Home, kung saan nakasama niya ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Inanunsiyo ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, ang indefinite leave ng aktor sa showbiz noong Oktubre 2017.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo look cozy together in this picture taken last May in El Nido, Palawan.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results