Alyssa Valdez speaks about how relationship with Kiefer Ravena has grown stronger

by Rachelle Siazon
Jul 2, 2019
My Letters To Happy cast member Alyssa Valdez sees herself settling down with boyfriend Kiefer Ravena in the future: "Work hard muna. Ipon-ipon muna."
PHOTO/S: Noel Orsal / @alyssa_valdez2 Instagram

Aminado ang star volleyball player na si Alyssa Valdez na marami nang pinagdaanang pagsubok ang relasyon nila ng basketball player na si Kiefer Ravena.

Sa tatlong taon nilang relasyon, malaking bagay na nakatulong daw sa kanila ang tiwala at suporta nila sa isa’t isa.

“I think one think na proven na, pag may maganda kayong foundation, pag friends talaga or best friends, mas matibay yung pundasyon niyo, mas tatatag yung relationship niyo.

“One thing I really appreciate about Kiefer, he will just support whatever career path, kung anuman ang gusto kong gawin.

“That’s one thing na kailangan sa relationship. You grow together, but really exploring things at the same time.”

Nagkakasundo rin daw sila pagdating sa disiplina nila bilang athletes.

“If your partner knows ano yung mga priorities niyo, it’s easy to balance time and manage the expectations of both parties.

Continue reading below ↓

“I think we’re really focusing on our careers right now.

“But really, making it a point na we’re there to support each other.”

Nakikita ba niya ang sarili na makasal kay Kiefer anytime soon?

Sagot ni Alyssa, “Well, as of now, that’s the goal.

“I’ve been working for ilang years na din. I really want to be stable din bago pumasok sa next chapter ng buhay.

“So work hard muna. Ipon-ipon muna.”

ALYSSA’S FILM DEBUT

Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alyssa pagkatapos ng presscon ng pelikulang My Letters To Happy, noong Biyernes, June 28.

Ayon kay Alyssa, suportado ni Kiefer ang pagsabak niya sa showbiz.

Si Alyssa ay isa sa supporting cast members sa pelikulang My Letters To Happy na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at TJ Trinidad.

Gumanap si Alyssa bilang reliable pero kuwelang secretary ni TJ sa pelikula.

Continue reading below ↓

Yayayain ba niyang manood si Kiefer ng kanyang film debut?

Napapangiting sagot ni Alyssa, “Napakahirap kasi ng role ko dito. Hahaha! Of course, we want to watch it together.”

Tinanggap daw niya ang proyekto dahil gusto rin ni Alyssa mag-explore kung ano pa ang kaya niyang gawin.

Pero siniguro ng dalaga na nakapokus pa rin siya sa volleyball, lalo na't ang Pilipinas ang host country ng 2019 Southeast Asian Games.

“We’re hosting the SEA Games in December, so siyempre our goal is to bring home the medal for the country.

“As of now, I’m just really happy lang na may mga ganitong opportunity.”

KIEFER’S PBA COMEBACK

Excited din daw si Alyssa sa nalalapit na pagbabalik ni Kiefer sa PBA sa August 24.

“I’m more excited as much as he is excited going back and playing for NLEX and siyempre for the national team for Gilas.”

Continue reading below ↓

Mahigit isang taong nasuspinde si Kiefer ng FIBA (International Basketball Federation) matapos siyang magpositibo sa tatlong substances na kabilang sa Prohibited List of the World Anti-Doping Agency noong February 2018.

Sumailalim si Kiefer noon sa standard drug test bilang bahagi ng Gilas Pilipinas basketball team na lalahok sa FIBA World Cup Qualifiers.

Kasabay ng desisyon ng FIBA ay hindi rin pinayagan si Kiefer na makapaglaro sa PBA.

Ngayong tapos na ang suspension ni Kiefer, dagdag ni Alyssa, “So I just can’t wait to see him wear his basketball jersey again.

“Siyempre, it’s been a long time. A lot of people misses his presence inside the basketball court.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
My Letters To Happy cast member Alyssa Valdez sees herself settling down with boyfriend Kiefer Ravena in the future: "Work hard muna. Ipon-ipon muna."
PHOTO/S: Noel Orsal / @alyssa_valdez2 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results