Glaiza de Castro hopes Angelica Panganiban finds the right guy

by Rachelle Siazon
Jul 3, 2019
Glaiza de Castro on Angelica Panganiban's revealing swimsuit photos in Siargao: "I'm so proud of her na nae-embrace niya yung femininity niya."
PHOTO/S: Noel Orsal @iamangelicap Instagram

Excited na raw si Glaiza de Castro na mag-bloom na rin ang love life ng malapit niyang kaibigan na si Angelica Panganiban.

Kung saka-sakali ay gusto raw niyang maka-double date si Angelica, na minsan nang nakilala ang Irish boyfriend ni Glaiza na si David Rainey.

"Of course, of course!" nangingiting sabi ni Glaiza.

Pero maliban dito ay tikom ang bibig ng Kapuso actress kung mayroon nang nagpapasaya sa puso ngayon ni Angelica.

Nagbibigay ba siya ng advice kay Angelica tungkol sa love life nito?

Sagot ni Glaiza, "Wala. Sa amin naman, wala kaming mga ganung pag-uusap na, 'Eto dapat, eto dapat...'

"Wala kaming rules na ganun.

"We're just there for each other sa mga times na talagang kailangan namin yung isa't isa."

Natutuwa raw si Glaiza na makitang ine-enjoy ni Angelica ang pagbibigay nito ng oras sa sarili, tulad ng pagbabakasyon sa Siargao kasama ng ilang mga kaibigan sa showbiz.

Continue reading below ↓

Noong single pa si Glaiza early last year, Siargao rin ang isa sa mga pinuntahan niyang lugar para makapag-unwind pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho.

Continue reading below ↓

Siya ba ang nakaimpluwensiya kay Angelica na doon din magbakasyon?

"Well, mas nauna siyang mag-Siargao sa akin.

"Siya nagsabi sa akin noon na, 'Amiga, magpunta ka ng Siargao, masaya dun.'

"So yun, nakapag-Siargao ako dahil sa kanya."

Napangiti ulit si Glaiza nang hingan ng reaksiyon sa paseksing swimsuit photos doon ng kaibigang si Angelica.

]

Continue reading below ↓

Ani Glaiza, "Proud ako sa kanya. I'm so proud of her na nae-embrace niya yung femininity niya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa presscon ng pelikula niyang My Letters To Happy, noong Biyernes, June 28.

Noong gabing iyon ginanap ang premiere ng pelikula, na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ni Glaiza kabilang si Angelica.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, June 29, lumipad na si Glaiza patungong London kunsaan mag-aaral siya ng music production and music composition sa loob ng tatlong buwan.

Si Angelica ay nagtungo naman ng Los Angeles, California.

GLAIZA AND ANGELICA'S FRIENDSHIP

Magkaiba man sila ng home TV network, nanatiling malapit na magkaibigan ang Kapuso actress na si Glaiza at Kapamilya actress na si Angelica.

Continue reading below ↓

Una silang nagkatrabaho sa defunct ABS-CBN weekly series na Berks noong 2002 hanggang 2004.

Travel buddies din sila sa mga bakasyon nila sa Nepal noong 2017 at Japan noong 2018.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on Angelica Panganiban's revealing swimsuit photos in Siargao: "I'm so proud of her na nae-embrace niya yung femininity niya."
PHOTO/S: Noel Orsal @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results