Vivian Lorraine, former actress and mother of Kristine Garcia, dies at 68

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2019
Vivian Lorraine was also a former actress and played a big part in daughter Kristine Garcia's acting acreer.
PHOTO/S: Facebook

Nakatakda sa July 6 ang memorial service sa Las Vegas, Nevada para sa former actress na si Vivian Lorraine.

Pumanaw si Vivian dahil sa lung cancer noong June 22, 2019. Siya ay 68 taong gulang.

Naging artista si Vivian noong dekada ’60.

Ang Igorota, Ako ang Maton, 9 Teeners, at Bino and Claydang ilan sa mga pelikula na ginawa niya.

Maria Lourdes Perez ang tunay na pangalan ni Vivian at isinilang siya noong December 31, 1950.

Hindi man nagtagal ang kanyang showbiz career, nakilala si Vivian bilang ina ng former Regal baby at sexy actress na si Kristine Garcia.

Naninirahan na rin si Kristine sa Las Vegas mula pa noong 2006.

Si Vivian ang madalas na kasama sa mga showbiz commitment ng kanyang anak buhat nang ilunsad ito ng Regal Films sa 1983 sexy movie na Exploitation.

Since then, nagkasunud-sunod na ang mga TV at movie assignment ng anak niya sa dating TV at radio personality na si Virgilio Garcia, na pumanaw naman noong October 23, 1984.

Continue reading below ↓

Si Kristine ang nag-asikaso at nag-alaga sa kanyang ina nang magkasakit ito.

Nahihirapan si Kristine na tanggapin ang pagkawala ng nanay niya, na malaki ang impluwensiya sa kanyang acting career noong active pa siya sa entertainment industry.

Ayon kay Kristine, "Simple celebration of the kind of life that my mom have lived...simple, happy, and full of unconditional love," ang memorial service na magaganap sa Sabado, July 6.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vivian Lorraine was also a former actress and played a big part in daughter Kristine Garcia's acting acreer.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results