Kakai Bautista reveals she is dating different guys

by Bernie V. Franco
Jul 4, 2019
Singer-actress Kakai Bautista reveals she has no love life yet, but she goes out on dates with different men. “May mga consistent naman, pero siyempre pipiliin mo talaga yung consistently consistent, di ba?”
PHOTO/S: Noel Orsal

“Nganga. Pero nagdi date-date naman ako.

"Date-date lang, ganun... Pero ayun, walang serious, walang exclusive...”

Ito ang sagot ng singer-actress na si Kakai Bautista nang matanong kung mayroon na ba siyang love life ngayon.

Ibig bang sabihin nito ay higit sa isa ang kanyang idini-date?

“Date, ano… different guys, ha.

"Yung nakilala ko, coffee lang, tsikahan lang, coffee, ganun... ‘Let’s have dinner,’ ganun.

“May mga consistent naman, pero siyempre pipiliin mo talaga yung consistently consistent, di ba?” paliwanag ni Kakai nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang Family History noong July 2, Martes.

Hindi pa ba siya jaded pagdating sa pag-ibig dahil sa mga hindi magandang karanasan niya noon?

“Oo naman, hindi naman maiwasan yun," sabi ni Kakai.

“Pero kasi, pag nakilala na nila ako not as Kakai na nakikita nila sa television, nagbabago ang tingin nila pag nalaman nila maldita.

Continue reading below ↓

"Pag sinabi ko talaga, ‘O, ano, tapos na? Okay!’ Ganun lang ako magsalita.

“Kasi parang na-intimidate yung mga lalaki.

“Wala kayong magagawa, ako talaga ito. Sa totoong buhay, ako talaga ito.

“Hindi ako yung Kakai na nakikita niyo sa [TV]. Ako talaga ito.

“So yun, nai-intimidate sila, pero nagiging friends naman.”

Mga Pinoy ba ang idini-date niya?

“Filipinos. Dami, ah...” sabay tawa ni Kakai.

Noong 2015 ay na-link si Kakai sa aktor na si Ahron Villena dahil sa sweet photos nila sa social media.

Nauwi sa away via social media ang pagkaka-link sa kanila, pero nagkabati rin sila noong 2017.

May napipisil na ba si Kakai na “promising” sa mga idini-date niya?

“Oo naman. Meron naman,” pagkumpirma ng comedienne.

“Pero ayun, bahala na kung consistent sila.

“Pag may dumating talaga na... boom! Gumanun ang puso ko, alam na...”

Continue reading below ↓

KAKAI BAUTISTA ON BEING AN IN-DEMAND ACTRESS

Bukod sa Family History na ipapalabas sa mga sinehan sa July 24, kabilang din si Kakai sa cast ng Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ipalalabas naman ito sa katapusan ng July.

Hindi man siya A-list star, sunud-sunod ang mga proyekto ni Kakai.

Nagpapasalamat din si Kakai na siya ang pinipili ng mga direktor sa kanilang mga proyekto, gaya nina Cathy Garcia-Molina ng Hello, Love, Goodbye at Michael V. ng Family History.

Saad ni Kakai, “Kailangan lagi kang may maiiwan sa audience mo and kailangan lagi kang may ipapakita na hindi lang yun.

“Siguro dahil yun ka, e. Nakita nila na ganun ka.

“Hindi ka man umangat, as in to the top, pero you know that you’ll have it hangga’t kaya mo pang magtrabaho sa showbiz.

“Yun ang goal mo, not to be as popular as the other artists that you work with o sinumang kasabayan mo, but you love your job and you have really, really intense passion for it.

Continue reading below ↓

“Yung universe, bumabalik na lang sa ‘yo yung ginagawa mo, e. Nagba-bounce back sa ‘yo yung vibes and positivity.

“Might as well tuloy-tuloy na lang talaga.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Kakai Bautista reveals she has no love life yet, but she goes out on dates with different men. “May mga consistent naman, pero siyempre pipiliin mo talaga yung consistently consistent, di ba?”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results