Paulo Angeles denies rift with fellow Hashtags Ryle Santiago

by Arniel C. Serato
Jul 5, 2019
Paulo Angeles says he respects past and present relationships of his friends: "Aware ako sa mga ex-ex. Pag alam kong ex ng kabigan ko 'yan, off na ako diyan.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Itinanggi ni Paulo Angeles na siya ang kaalitan ng kapwa Hashtags member na si Ryle Santiago.

Sa panayam kay Ryle ni DJ Jhai Ho para sa online show na Hotspot noong June 21, hindi nagpaliguy-ligoy ang actor-dancer na amining may kaalitan siyang kasamahan sa all-male, sing-and-dance group ng It’s Showtime.

Pero hindi niya ito pinangalanan.

Sabi ni Ryle, “Hindi kasi ako fan ng mga nangtatalo ng kaibigan.

“Nung nag-break kami ng ex ko, nalaman kong may lihim [siya] na pagtingin.

“'Tapos tinanong siya isang beses kung sino ang celebrity crush niya, 'tapos ang sinagot niya si ex.

“Hindi niya alam na speaking terms pa kami.”

Hindi rin tinukoy ni Ryle kung sino ang ex-gilfriend na yun.

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw sila okay ng naturang kasamahan.

PAULO ANGELES: IT'S NOT ME

Sa pictorial ng pelikulang G! kagabi, July 4, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo kung siya ba ang tinutukoy ni Ryle na kaalitan nito.

Continue reading below ↓

Natatawang sagot ni Paulo, “Hindi po ako yun!

“Kung anuman yung sinabi niya sa interview, sobrang wala yung pangalan ko dun.

“Hindi ako yun, kilala ko kung sino pero ayokong i-name out. Pero hindi ako yun.

“Alam kong hindi ako yun kasi yung, di ba, yung mini-mention niya, tinalo siya.”

Paliwanag pa ni Paulo, “Ako yung tipong kaibigan na kahit maging ex mo 'yan, wala akong paki diyan.

“Hindi talaga ako yung ganung klaseng tao.

“Aware ako sa mga ex-ex. Pag alam kong ex ng kabigan ko 'yan, off na ako diyan.”

Wala raw problema ang pagkakaibigan nila ni Ryle.

Samantala, malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang G! na kinabibilangan ni Paulo.

Kasama niya rito sina Jameson Blake, McCoy de Leon, Mark Oblea, at Kira Balinger.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Angeles says he respects past and present relationships of his friends: "Aware ako sa mga ex-ex. Pag alam kong ex ng kabigan ko 'yan, off na ako diyan.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results