Vice Ganda says rumored BF Ion Perez took care of him in the hospital

by Rachelle Siazon
Jul 5, 2019
Vice Ganda hugs Ion Perez when the comedian-TV host came back to work following his three-day sick leave.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / @pereziion27 Instagram

Inamin ni Vice Ganda na isa si Ion Perez, aka Kuya Escort, sa mga bumisita sa kanya nang ma-confine siya ng tatlong araw dahil sa intestinal flu.

Kahapon, July 4, nakapasok na ulit si Vice sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Nagpasalamat si Vice sa staff ng show dahil dinalaw rin siya sa ospital.

"'Tsaka kay Ryan Bang na inalagaan ako sa ospital," tukoy ni Vice sa co-host na si Ryan.

Nanunuksong hirit naman ng co-host ni Vice na si Vhong Navarro: "Sino pa bukod kay Ryan?"

"Si Ion pinuntahan ako," matamis ang pagkakangiting sabi ni Vice.

Biro pa niya, "Nagulat nga ako kay Ion, natutulog ako in-injection-an din ako!"

Dahil sa tila double meaning na hirit ni Vice ay natatawang napatalikod si Vhong at isa pa nilang co-host na si Anne Curtis.

Tawa nang tawang sabi ni Vice, "Gusto niyo yung ganyan, 'tapos biglang tatalikod kayo?!"

Paiwas na sagot ni Anne, "Hindi... binigyan ka rin ba niya ng tulip?"

Continue reading below ↓

Tukoy ulit ni Vice kay Ion, "Dinalhan niya ako ng ginataan. 'Ay, tamang-tama, bawal!

"Dahil may diarrhea ako nung panahong iyon. Nagkaroon ako ng intenstinal flu."

Humirit naman si Vhong na galing din sa It's Showtime ang dinalang ginataan ni Ion kay Vice.

Natatawang sang-ayon ni Vice, "Yun nga, pinanood ko sa iWant TV. 'Parang ito yung dinala niya kanina?'

"Ang galing, pero maraming salamat."

Tugma ito sa Instagram Story ni Ion kunsaan nag-selfie siya sa isang hospital room kasama si Ryan Bang.

Continue reading below ↓

ION'S FAVORITE PART OF VICE GANDA'S BODY

Sa "KapareWho" segment ng show, nagkita sina Vice at Ion.

Panay ang kulitan ng dalawa dahil sa dalang tawas ni Ion para raw maging "makinis" si Vice.

Tanong ni Vice, "Ano pang pinakagusto mong part ng katawan ko? Anong pinakamakinis na part ng katawan ko for you?"

Nang tanungin ni Vice kung anong bahagi ng katawan niya ang nakikinisan ito, sagot ni Ion:

"Yung dibdib! Makinis yung dibdib mo. Di ba, may nunal ka pa dito ata?" saad ni Ion sabay turo sa kanang dibdib nito.

"Alam, a! Saan? Saan?" natatawang singit ng It's Showtime co-host ding si Jhong Hilario.

Continue reading below ↓

VICE GANDA HUGS ION

Panay ang tukso nina Vhong at Jhong kina Vice at Ion, lalo na nang biglang niyakap ni Vice si Ion dahil sa sobrang corny ng joke at pagkanta ni Ion.

"Para-paraan!" hirit nila.

Sabi lang ni Vice, "Wala 'to. Natatakot na ako, e.

"Bakit palala nang palala ang mga sintomas mo? Bigla ka na lang kumakanta ng mga tawas dying inside!"

Continue reading below ↓

RUMORED RELATIONSHIP

Patuloy ang espekulasyong may relasyon sina Vice at Ion, lalo na nang aminin ni Ion na espesyal sa kanya si Vice noong Marso.

Wala mang direktang kumpirmasyon mula sa kanila, makailang-beses na silang nagpapahiwatig kung gaano sila kalapit sa isa't isa.

Madalas ding tuksuhin ng It's Showtime co-hosts si Vice tungkol sa blooming love life nito.

Sa live telecast ng show noong June 21, inamin ni Vice na "7 months" na sila ng hindi pinangalanan niyang karelasyon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda hugs Ion Perez when the comedian-TV host came back to work following his three-day sick leave.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / @pereziion27 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results