Liza Soberano says finger “will never function the same way again” after 4th surgery

by Arniel C. Serato
Jul 6, 2019
Liza Soberano hopes latest finger surgery would be her last.
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Instagram

Sumailalim sa ika-apat na finger operation si Liza Soberano sa U.S. upang tuluyan nang gumaling at maayos ang na-injure na daliri nito.

Umaasa ang Kapamilya star na sana ito na ang huling procedure na kanyang pagdadaanan.

Ngunit, maaring hindi na ito mag-function pa katulad ng dati ayon mismo kay Liza.

Sa kanyang Instagram ngayong umaga, July 6, ibinahagi ni Liza ang ilang larawang nagpapakitang nilagyan ng bakal ang daliri niya.

Sabi niya sa caption, “Caution graphic content.

"Finally done with my last procedure in hopes of fixing my finger.

"Unfortunately it will never function the same way again but at least its there!

"Sorry for sharing such gruesome photos.”

Continue reading below ↓

November 2018 unang sumailalim sa finger surgery si Liza.

Nasundan ito ng tatlo pa nitong taon at ang panghuli nga ay ngayong buwan lamang.

Na-fracture ang daliri ni Liza noong taong 2018 sa kalagitnaan ng isang fight scene sa teleserye nilang Bagani sa ABS-CBN.

Ito rin ang dahilan kung bakit umatras siya bilang bida sa pelikulang Darna.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano hopes latest finger surgery would be her last.
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results