Ina Feleo not yet ready to settle down with Italian boyfriend

by Ruel J. Mendoza
Jul 6, 2019
Ina Feleo admits that she's not yet ready to settle down with Italian boyfriend Giacomo Gervasutti
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Kahit na two years na ang relasyon ng aktres na si Ina Feleo sa Italian boyfriend nitong si Giacomo Gervasutti, wala pa raw sa plano nila ang mag-settle down.

Kaya naman matagal pa bago matupad ang hiling ng mother ni Ina na mabigyan ito ng apo.

Ang kanyang ina ay ang award-winning actress-director na si Laurice Guillen.

"Actually, nangungulit na si Mommy. Nasaan na raw ang apo niya?

"Hindi ko naman siya masagot dahil wala pa nga sa plans namin ni Giacomo ang magpakasal.

"Binibiro ko lang si Mommy na 'Hindi pa bagay sa 'yo maging lola!' sabay magtatawanan na lang kami.

"Ayun, hindi na muna siya mangungulit ng paghingi ng apo!" natatawang kuwento ni Ina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng pelikulang Family History noong nakaraang July 2 sa Novotel Manila Hotel sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Dalawa lang daw kasi silang magkapatid at pareho pa silang babae.

Continue reading below ↓

Kahit na raw ang nakakatanda niyang kapatid na si Ana Feleo ay mukhang wala pang balak na bigyan ng apo ang ina nila.

"Minsan din nga, pumapasok sa isipan ko na, 'Hindi na nga na-experience ni Daddy [Johnny Delgado] ang magkaroon ng apo, kaya siguro nangungulit si Mommy.'

"Before kasi, nasabi ko na by the age of 25, gusto ko kasal na ako at may anak na.

"E, kumusta na ba? 32 years old na ako!

"Hopefully, before mag-35 years old ay may masasagot na ako na maganda kay Mommy in regards sa paghingi niya ng apo," ngiti pa ni Ina.

WAITING FOR RIGHT TIME

Ayaw naman daw biglain ni Ina ang kanyang boyfriend tungkol sa pagpapakasal.

"Maganda kasi yung casually ay bigla ninyong pag-uusapan ang pagpapakasal or having a family.

"Hindi kasi maganda yung parang ipu-force mo ang topic. Kailangan naiisip din niya yun.

"Siyempre, naghihintay din ako ng time na magpu-propose siya.

Continue reading below ↓

''That means na ready na siyang mag-settle down at doon na namin pag-usapan ang lahat.

"Right now, we're doing okay naman. Ayokong lagyan ng pressure ang relationship namin.

"Kaya Mommy, konting pasensya pa!" sabay tawa ni Ina.

BUSY WITH PROJECTS

Sobrang busy ang buwan ng July para kay Ina.

Kasama siya sa GMA primetime teleserye na The Better Woman bilang sister ni Derek Ramsay.

Sa July 24 naman ay ipapalabas ang pelikulang Family History kunsaan kasama rin siya sa cast.

"I feel so blessed kasi dalawang malalaking projects ang nagawa ko.

''Lalo na itong Family History, my first time to work with Michael V.—una as an actor, and then as a director.

"Napakahusay niya lalo na sa pagsulat ng script. Parang hindi ito ang first time niya to make a movie.

"He's very organized and he makes sure na maganda ang kalalabasan ng mga characters namin," lahad pa niya.

Continue reading below ↓

FOLLOWING IN MOM'S FOOTSTEPS?

Napag-iispan na rin ni Ina na sundan ang yapak ng kanyang ina na isang award-winning film director.

Kabilang sa mga magagandang pelikulang naidirek na ni Direk Laurice ay Salome, Kasal?, Init Sa Magdamag, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Rosenda, Ipagpatawad Mo, Kapag Langit Ang Humatol, Tayong Dalawa, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story, Tanging Yaman, American Adobo and Santa-Santita.

Pag-amin niya, "Ilang years ko na ring pinag-iisipan 'yan, actually.

''I just need a good material to work on at yung proper timing to start.

"Na-inspire nga ako kay Direk Bitoy in the way he handled being a writer and a director and an actor sa Family History.

''Parang ang hirap pero he makes it look so easy.

"Kapag napasok ko na siguro ang pagdidirek, I don't want to be compared to my mom.

''She's really a great director and mahirap nang pantayan ang mga pelikulang nagawa niya.

Continue reading below ↓

"I want to create my own stories and siguro magsimula muna ako sa mga nauuso ngayon na digital films and series.

"I want to start small muna and make my way up.

"Para kasing ang laki kaagad kung movie.

''I need to gather enough experience para maging confident ako to do a movie."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ina Feleo admits that she's not yet ready to settle down with Italian boyfriend Giacomo Gervasutti
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results