Matteo Guidicelli still non-committal about rumored engagement with Sarah Geronimo

by Melba R. Llanera
Jul 8, 2019
Matteo Guidicelli on Filipino soldiers: "Ngayong sundalo na rin ako, yung respeto ko sa kanila, hindi ko ma-describe."
PHOTO/S: Instagram

Habang nagti-training si Matteo Guidicelli para maging scout ranger sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan ay lumitaw muli ang usap-usapan tungkol sa engagement diumano nila ni Sarah Geronimo.

Pero ayaw pa ring magbigay ng depinidong sagot tungkol dito ang Fil-Italian actor-singer.

“Pray mo ako para maging okay lahat ba. Bahala na, tingnan natin,” matipid na pahayag ni Matteo.

Nilinaw naman ng Kapamilya star na sa kabila ng pagiging abala niya sa showbiz at sa pagiging sundalo, nananatiling number one priority niya si Sarah.

"Sarah is number one, always a priority," paniniyak ni Matteo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Matteo sa presscon para sa media launch ng bagong ad campaign ng Sun Life, ang "Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships.’

Ginanap ang presscon sa Luzon Ballroom ng Sofitel Hotel noong July 6, Sabado.

SCOUT RANGER TRAINING

Ayon kay Matteo, matagal na niya talagang gustong mag-training para sa scout ranger.

Continue reading below ↓

"Twenty-nine years old na ako, dati ko pang gustong gawin ‘yan.

“I found the opportunity, Scout Ranger opened the door to me.

"They sent me, 'Are you able to join?' I said yes right away."

Dagdag niya, "That's the best experience of my life.

“Sa umpisa, sobrang hirap. Maraming mga beses, especially the first week, gusto kong mag-give up.

"Basically, Scout Ranger is the elite force of our Philippine military so it's the hardest training in the military, kumbaga.

“Physically… not only physically, but also psychologically.

“Yung psychological part talaga ang nagpasira sa akin, kasi from civilian life, dumiretso ako sa military the next day.

“But sobrang supportive ng military, may mga counselling, life coaches sila doon na kinakausap ako, they counselled me. Naging okay naman ako."

Marami raw natutunan at nabago kay Matteo mula nang matapos niya ang isang buwang training.

Continue reading below ↓

"Yung pinaka-learning ko dun, ma-enjoy yung pinaka-basics sa buhay.

“Kahit nasa bundok ka ng apat na araw or isang linggo, yung isang hangin lang na ganyan, parang nasa heaven ka, parang nasa hotel ka ng five-star.

“Isa pang natutunan ko ay respeto sa mga sundalo.

“Bago ako pumasok nung civilian pa ako, sobrang nirerespeto ko ang mga sundalo.

“Pero ngayong sundalo na rin ako, yung respeto ko sa kanila, hindi ko ma-describe.

“Yung sakripisyo nila para sa bayan, para sa pamilya nila to protect you, to protect us… grabe ang respeto ko sa kanila."

Patuloy ni Matteo, "Gaya ng sinabi nila sa umpisa, ‘Mahihirapan ito kasi di sanay sa hirap ng buhay.’

“Hindi ko naintindihan, pero nung nandun ako, hindi talaga ako sanay sa hirap ng buhay.

“Pero it humbled me so much. It made me realize the basics of life.

Continue reading below ↓

“Natutulog lang kami sa sahig, sa lupa, liguan lang namin nasa river. Lumulublob kami sa mga kanal…

“Talagang nag-humble sa akin, it gave me the basics of life, it made me appreciate life, it made me appreciate each and every one of us."

IS HE READY FOR WAR?

Maliban sa pagtatapos ng training para sa scout ranger, si Matteo rin ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa batch nila.

Saad niya, "Tutok ako sa mga activities, mga lessons, mga lectures. Natsambahan din."

Sa mga kapwa niya artista, may nagpakita na ba ng interes na sumali sa scout ranger training?

Ayon kay Matteo, "Actually, si Sir Robin Padilla, magkasam kami kaninang umaga, baka ma-convince ko siya na sumali sa reserve force."

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Matteo na bilang army reservist ay hindi sila sasabak ng giyera.

Pero kung dumating daw sa puntong kinakailangan ay gagawin niya ito bilang pagmamahal sa bansa.

Dagdag niya, "Marami kaming mga projects sa military ngayon.

“Few days ago, pumunta kami sa Sulu kung saan yung bombing. Kinausap namin ang mga sundalo dun.

“I'll be doing the same activity.

“I encourage all our kababayans, especially artistas, to help out our country, join the reserve force.”

Kahit aktibo siya ngayon sa military, hindi pa rin daw mawawala kay Matteo ang pagiging isang showbiz personality.

"Yung army will be a part of me, it's my family.

“Pinoy tayo, e, parte ‘yan ng buhay natin.

“Pero yung trabaho pa rin bilang artista, it will continue, normal pa rin."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on Filipino soldiers: "Ngayong sundalo na rin ako, yung respeto ko sa kanila, hindi ko ma-describe."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results