Kim Domingo speaks up on breakup with boyfriend Mark Acuna

by Arniel C. Serato
Jul 8, 2019
Kim Domingo and boyfriend Mike Acuna call it quits after three years of being together.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @therealmikeacuna on Instagram

Halos isang buwan nang hiwalay si Kim Domingo sa boyfriend niyang si Michael "Mike" Acuña.

Ano ang dahilan at tinuldukan na nila ang kanilang tatlong taong pagsasama?

Natatawang pag-iwas ng 25-year-old Kapuso actress, “Ay, no comment ako.

“Ayoko nang pag-usapan.”

Dagdag pa niya, maayos naman daw ang naging hiwalayan nila ng basketbolistang nobyo.

Mutual decision din daw ito.

Kuwento pa ni Kim, “Parehas naman. Pero on good terms kami.

“Walang halong galit sa isa’t isa, okay kami.

“Okay naman po. Basta yun, happy ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Kim sa grand press conference ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ngayong araw ng Lunes, July 8.

Isa si Kim sa bida ng Kapuso suspense-drama thriller na ito kasama sina Kris Bernal, Rayver Cruz, at Megan Young.

Mapapanood na ito sa GMA Afternoon Prime simula sa July 22.

Continue reading below ↓

NOT FOR PROMO

Pinabulaanan ni Kim na para sa promo ng kanilang teleserye ang hiwalayan nila ni Mike.

Natatawa niyang sabi, “Hay, walang ganun, hindi!

“Matagal na rin, magwa-one month na.”

Sa ngayon, magpo-focus daw muna si Kim sa bagong proyektong ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph kay Kim noong April 26, 2019, inamin nitong nagli-live-in na sila ni Mike.

May plano na rin silang magka-baby, pero hindi ang pagpapakasal dahil masyado pa raw silang bata at marami pa silang gustong gawin sa buhay.

Pero umaasa si Kim na, sa bandang huli, ay sila pa rin ni Mike ang magkatuluyan at ikasal.

Lahad niya noon, “Sana doon na, kasi okay naman kami, wala naman kaming nagiging issue, e.

“May mga konting ano, tampuhan, away, ganyan, pero hindi naman malaki na ano.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo and boyfriend Mike Acuna call it quits after three years of being together.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @therealmikeacuna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results