John Nite defends Imelda Marcos on food-poisoning incident

by Glenn Regondola
Jul 8, 2019
John Nite on fod-poisoning incident at Imelda Marcos's birthday celebration: "Para sa akin, nobody is to be blamed except, siyempre there’s somebody who’s responsible kung saan yun nanggaling [yung pagkain]."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Nagsalita ang dating TV host na si John Nite tungkol sa food-poisoning incident na nangyari sa surprise birthday party para kay dating First Lady Imelda Marcos.

Ginanap ang celebration para sa 90th birthday ni Imelda sa Ynares Sports Complex noong July 3, Miyerkules, kung saan dinaluhan ito ng mahigit 2,000 Marcos supporters.

Matapos kumain ng chicken adobo, boiled egg, at kanin ay mahigit sa 200 ang itinakbo sa ospital dahil sa panghihina ng katawan, pagsusuka, at pagsakit ng tiyan.

Si John Nite ang nagsilbing host ng nasabing event kaya inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang alam niya tungkol sa pangyayari.

Lahad ng pamangkin ng yumaong TV host na si German Moreno, “Alam mo, nandun ako to host the event.

“I was there practically 7 o’ clock A.M. I was on stage from 8 A.M. to 3 P.M. Walang patid talaga yun.

“So if you really… honestly, hindi ko naramdaman yung commotion sa backstage, kasi ang laki ng Ynares, e.

Continue reading below ↓

“Yung bathroom break ko lang ay I have to pee, at dun ko lang naman na may nangyari pala.

“Otherwise, hindi ko alam, e. Na mabuti naman because the event was really successful, para di ma-spoil.”

Patuloy ni John, “Alam ko na may ganun, pero di ko alam yung extent nung ano.

“Originally naman kasi, mga loyalista ang nag-put together.

“Nag-donate sila, yung food nga, may nag-sponsor, may mga regalo pa nga.

“It was supposed to be a surprise for Madam kasi 90th birthday nga niya.

“With that, nandun na rin yung ibang mga kapamilya niya—si Senator Imee, si BBM [Bongbong Marcos], si Irene, at mga close friend niya.

“That was really for all Marcos loyalists all these years, na hanggang ngayon ay nagmamahal pa, and vice versa.

“Si Madam naman, pumunta doon na kahit wala pang tulog dahil the night before, meron din siya sa BCG naman.

Continue reading below ↓

“To top it all, it was really very successful kahit nga merong nangyari.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si John Nite sa contract-signing ng upcoming concert ni Gerald Santos, ang Unlimited, na ginanap sa Seafoods Restaurant, sa Quezon City, noong July 6.

BLAMING THE MARCOSES

Maraming netizens ang nam-bash sa pangyayaring ito, na ang iba pa nga ay direktang sinisisi si Imelda at ang pamilya nito.

Ano ang take niya rito?

Saad ni John, “Alam mo, ang sa akin kasi, objective lang ako, wala naman kasing alam si Madam.

“The fact the she didn’t know what’s gonna happen, she’s very happy dahil punumpuno ang Ynares. Pero para to blame her, too much naman.

“I think, para sa akin, nobody is to be blamed except, siyempre there’s somebody who’s responsible kung saan yun nanggaling.

“Kasi yung sinasabi nilang egg, adobo, halos naman lahat na nandun, e, yun ang kinain, e.

Continue reading below ↓

“In my proportion, halimbawa, ilang libo ang kumain, ‘tapos may ilan na naapektuhan nga, baka may box dun na contaminated na dun, at yun na nga, food poisoning.”

Natutuwa nga raw si John sa mabilis na aksiyong ginawa ng local government ng Pasig, pati ang pamilya Marcos, sa pag-aasikaso sa mga naapektuhan.

Ani John, “Yung mga ambulansiya, yung mga emergency management system ng Pasig, ang Red Cross, ang bibilis nila umaksiyon.

“Each and everyone na kailangan ng emergency management, nadala rin kaagad sa ospital.

“And as we speak now, ang dami ngang na-discharged. Hindi naman sila pinabayaan.

“And yung sa akin naman, further investigation para hindi mangyari sa susunod.

“At kapag may ganun nga kalaking crowd, yung food preparations talaga ay properly done.

“We never know, e. Tropical country tayo, kaya yung spoilage ng food, e...”

Dagdag niya, “At saka, I heard, nang malaman ni Madam yung pangyayari, pinapuntahan niya yung [patients] sa ospital, kung ano ang kailangan.

Continue reading below ↓

“Sina Imee, Bongbong, nag-ano na lahat, in terms of suporta.

“Lesson learned, e. We can’t blame anyone.

“Happy 90th na lang uli kay Madam.”

Read Next
Read More Stories About
John Nite, Imelda Marcos
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Nite on fod-poisoning incident at Imelda Marcos's birthday celebration: "Para sa akin, nobody is to be blamed except, siyempre there’s somebody who’s responsible kung saan yun nanggaling [yung pagkain]."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results