Benjamin Alves posts sweet messages for model Chelsea Robato; are they dating?

by Rachelle Siazon
Jul 9, 2019
Kapuso actor Benjamin Alves on model Chelsea Robato: "You are my favorite person."
PHOTO/S: @benxalves / @chelseamaey Instagram

Tila may espesyal na babaeng muling nagpapatibok sa puso ni Benjamin Alves mahigit walong buwan mula nang mapabalitang single na ang Kapuso actor.

Kapansin-pansin ang palitan ng sweet messages ni Benjamin at ng commercial model na si Chelsea sa Instagram account ng huli.

Ngayong Martes, July 9, hindi napigilang ihayag ni Benjamin kung gaano siya kasaya dahil kay Chelsea.

Nag-react kasi ang Kapuso actor sa Instagram post ni Chelsea tungkol sa perfect "timing" ng pagdating ng mga tao at bagay na nagpapasaya sa dalaga ngayon.

Komento ni Benjamin, "@chelseamaey you make me the happiest."

Reply ni Chelsea, "@benxalves you do too"

Continue reading below ↓

Base sa iba pang comments ni Benjamin kay Chelsea, bukas siya sa paghayag ng pagtatangi sa dalaga sa tuwing nagpu-post ito ng bagong litrato sa Instagram.

Komento ni Benjamin sa post ni Chelsea noong July 1: "How am I suppose to focus at work sheesh."

Hirit naman ng dalaga: "@benxalves cause u will see me tomorrow"

Continue reading below ↓

Si Chelsea rin daw ang "favorite person" ni Benjamin.

Base pa rin sa posts ng dalawa, mapapansing madalas din silang lumabas nang magkasama.

Continue reading below ↓

Parehong nagtapos sa University of Guam sina Benjamin at Chelsea.

Summa cum laude si Benjamin sa kursong English Literature, habang si Chelsea ay nagtapos doon ng business-related course.

Si Chelsea ay naging contestant kasama ng ex-boyfriend niyang si Christian Busby sa ABS-CBN romantic reality show na I Do noong 2014.

Ang huli namang nakarelasyon ni Benjamin ay si Julie Anne San Jose, pero naghiwalay ang dalawa bandang November 2018 matapos ang dalawang taong pag-iibigan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Benjamin Alves on model Chelsea Robato: "You are my favorite person."
PHOTO/S: @benxalves / @chelseamaey Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results