Isko Moreno, "That's" boy pa rin!

by Rommel R. Llanes
Jul 8, 2019
PHOTO/S: Screengrab from video

Kuha seven months ago, nag-take muna ng break ang dating Manila Vice Mayor na si Isko Moreno sa kanyang mga gawain at sinariwa ang kanyang pagiging "That's Boy" o That's Entertainment boy.

Nakaupo niyang sinayaw ang "(Dying Inside) To Hold You" ng '90s singer na si Timmy Thomas at popular na isinayaw ng all-boy dance group nung '90s na UMD o Universal Motion Dancers.

Continue reading below ↓

Matatandaang bago pumasok sa pulitika, isa munang artista ang ngayo'y Manila Mayor nang si Isko.

Miyembro siya ng Monday Group ng That's Entertainment, ang TV show na ginawa ng yumaong Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno sa GMA-7.

Mula nang maging Mayor ng Maynila matapos manalo sa halalan nitong Mayo, nagpakitang-gilas na agad ito sa pamamagitan ng mga bagong kautusan tulad ng pagsasapubliko ng public biddings at meetings ng Konseho ng Maynila via Facebook at paglilinis ng Divisoria at iba pang pamilihang bayan sa Maynila sa layunin niyang muling bumalik at ganda at ningning ng Kamaynilaan.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from video
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results