Former Eat Bulaga! host Taki now a member of J-pop group Faky

by Rose Garcia
Jul 9, 2019
PHOTO/S: Rose Garcia / Faky Twitter

TOKYO, JAPAN – Halos mag-iisang taon na mula nang magdesisyon ang Kapuso star na si Taki—Takako Saito sa tunay na buhay—na subukan ang kanyang kapalaran sa Japan entertainment scene.

“Magwa-one year na rin, as in sobrang bilis ng panahon,” sabi ni Taki nang eksklusibo siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Shibuya, Tokyo, Japan, noong July 1.

“Parang kailan lang, nag-eempake ako papunta rito.

“As in, feeling ko, parang kahapon lang yun!”

Si Taki ay Japanese citizen, pero may dugong Brazilian, Japanese, Spanish, at kaunting Filipino sa side ng mommy niya.

Maganda naman daw ang mga nangyayari sa kanya ngayon sa Japan.

Masayang ibinahagi ni Taki na miyembro na siya ng Japanese all-girl group na Faky.

“Everything is moving fast. Faster than I thought.

“Sa una, ang sabi lang sa amin, the first year, I’ll be part of Faky.

Continue reading below ↓

"We’ll be going around Japan. Pero ‘eto, we’re going to Brazil, we’re going to Canada, we’re going around Japan pa rin.

“I’m really happy because it’s moving faster than I thought,” saad ng 19-year-old entertainer.

Ang Faky ay inilunsad noong 2013 ng record label na Avex’s Rythm Zone.

Bukod kay Taki, ang iba pang mga miyembro ng grupo ay sina Lil’ Fang, Mikako, Akina, at Hina.

Continue reading below ↓

Si Taki ang pinakabagong miyembro ng five-member girl group, kung saan tatlo sa original members ang wala na sa grupo.

Si Taki ay opisyal na naging miyembro ng Faky noong December 2018 pagkatapos ng dalawang buwang training.

Sa girl groups, ang South Korean girl groups na Twice at Blackpink ang pinakasikat sa halos buong mundo.

Ganito rin ba ang Faky sa Japan pagdating sa popularidad?

Sagot ni Taki, “Well, I’m not gonna lie that Faky isn’t that.

"But, they’ve been a group for a long time.

“Their songs are more known, like, they are in Top 50 Charts, number one in Japan in Spotify.

“Their songs are more known than who they are as a group.

“But right now, this is it, we’re trying to be more visible everywhere.

“In Japan, I wouldn’t say we’re biggest girl group, but we’re in a good spot.

Continue reading below ↓

“We’re established na rin and we’re getting there. We’re working really hard.”

JOINING FAKY

Ayon kay Taki, bago pa man nagsimula ang showbiz career niya sa Pilipinas, may alok na sa kanya ang Avex na maging miyembro ng Faky.

“Matagal na po nila akong ina-eye, fifteen pa lang ako.

“Parang I was just dancing in a dance studio, biglang sinabi sa akin na, ‘Here’s our card, we hope you can get in touch with us.’

“Pero tamang-tama, that was the time that I started in Philippines naman.

“I had #ParangNormalActivity [TV5], I got so many blessings.

“So, sabi namin, doon na muna.

“And noong time na yun, they weren’t sure if they’ll gonna put me in the group. It was more on training po talaga.

“And especially, I was already in APT Entertainment, under Triple A na po ako.”

Continue reading below ↓

Ang Triple A din ang namamahala sa career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Pagkatapos ng tatlong taon, natuloy ring maging miyembro ng Faky si Taki.

May panghihinayang ba siya?

“No,” mabilis na tanggi ni Taki.

“Honestly, Triple A and everyone around me really took care of me.

“Hindi naman ako nawalan ng trabaho, tuluy-tuloy naman ang blessing ko.

“As in, show after show. Naranasan ko po yung 7 A.M. pack-up, ligo na lang, and then diretso taping.

“Noong time na yun, siyempre pagod na pagod na ako, pero dun ko na-realize na the more work, the more blessings.”

Sabi pa niya, “Three years, ang dami naman pong nangyari. No regrets at all.”

Noong nasa Pilipinas pa si Taki, naging bahagi siya ng noontime show na Eat Bulaga.

Hindi kaya dahil sa pagkawala niya sa Eat Bulaga! kaya niya naisipang bumalik ng Japan?

Continue reading below ↓

“Well, siyempre, when I was not part of EB anymore, masakit po talaga,” pag-amin ni Taki.

“I know naman the reasons so I can accept it. Pero siyempre, masakit po talaga.

“Before leaving, there’s Sunday PinaSaya family.

“And okay naman, I think, it’s the right time.”

Sa Pilipinas, ang Triple A pa rin daw ang namamahala ng kanyang career.

LIVING AND WORKING IN JAPAN

Bakit mas pinili niyang maging member ng J-pop girl group at manirahan sa Japan?

Saad ni Taki, “Basically, my family wanted to come back to Japan, especially my mom.

“Siyempre, hindi pa ako ready na mahiwalay muna with my family.

“And I realized, I’m a Japanese citizen, but I never really got to live in Japan.”

Yun talaga ang totoong dahilan?

“Siyempre, I’m still young. I just wanted to experience something new, something different and parang expand.

Continue reading below ↓

“And dancing is my passion naman talaga and not knowing na puwede pala akong kumanta.

“Well, getting there!” natawang sabi niya.

Marami raw natutunan si Taki ngayong nasa Japan siya.

Nang makausap nga namin si Taki, mag-isa lang siyang nag-train mula sa rehearsal nila. Mag-isa lang din daw siyang nag-aasikaso ng iba pa niyang pangangailangan.

Ayon kay Taki, “Masaya, I’m learning a lot—dancing, singing… a lot.

"Parang hindi naman ako nagbago. Parang nothing has really changed that much.

“Pero siyempre, dumagdag yung stress dahil nga may mga performances kami outside Japan.

“Nakakahiya naman kung hindi ko ibibigay ang best ko, they called us to fly there.

“Siyempre, marami pa rin akong kailangang i-catch up.”

Sa July 11 ay pupunta sila sa Brazil at sa August naman ay sa Canada.

Positibo naman si Taki na babalik siya sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Ang huling proyekto niya ay ang pelikulang Banal.

Aniya, “Right now, of course, my focus is Faky.

“Of course, I wanna go back to Philippines kasi I really belong to Philippines.

“Kahit na konting-konti lang talaga ang Filipino blood ko, but I’m really at home in the Philippines.”

Sa ngayon, masaya at kuntento raw si Taki sa kanyang career.

“I am, I am,” nakangiti niyang sabi.

“But if I’ll have the opportunity to come home to the Philippines, I wouldn’t think twice.

“Pero siyempre, kapag tapos na yung contract ko sa Faky.

“Sa ngayon, focused muna tayo sa isang trabaho.”

TAKI’S BIOLOGICAL DAD

Mula nang ipanganak sa Taki, hindi pa niya nakikita o nakikilala ang kanyang biological dad.

Sa Brazil nakatira ang biological father niya at papunta siya roon sa unang pagkakataon.

Continue reading below ↓

May plano ba siyang makipagkita sa tunay na ama, na kamakailan ay nahanap niya sa pamamagitan ng Facebook?

“I don’t know, mixed emotions po talaga,” pag-amin ni Taki.

Ang naging komunikasyon pa lang daw nila ay noong 13 taong gulang siya.

“We shared Facebook messages when I was thirteen. Nahanap ko yung Facebook niya.

“Pero medyo hindi masyadong maganda yung nasabi niya, so ganun na lang muna.”

Hindi naman daw siya nagkulang at wala rin daw siyang “longing” na makita o makilala ang tunay na ama.

“Not at all, I had a… well, I think I had the best childhood.

“Parang hindi ko rin naman naramdaman na wala.

“Basically, I had a complete family.”

Lumaki si Taki na ang tumayo niyang ama ay ang kanyang French stepdad.

Open naman siyang makilala pa rin ang biological father?

“I’m open naman, pero baka hindi maging maganda. Siguro, when the right time.”

Continue reading below ↓

Nakilala na raw ni Taki ang kanyang grandparents sa father side, gayundin ang ilang kapatid ng ama niya na nasa Japan.

Read Next
Read More Stories About
Taki, faky, eat bulaga
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia / Faky Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results