Erap Estrada also takes a swipe at clean-up drive of Manila Mayor Isko Moreno

by Erwin Santiago
Jul 10, 2019
Former Mayor Joseph "Erap" Estrada on clean-up drive of his sucessor, Isko Moreno: "Madali 'yan iutos, pero titingnan mo rin kapakanan ng kapwa tao mo, lalo na yung mga mahihirap."
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook

Pagkatapos ng kanyang anak na si Jerika Ejercito, mismong si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada naman ang nagpasaring sa bagong alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.

Kaugnay ito ng isinasagawang clean-up drive ng bagong administrasyon ni Isko sa ilang pangunahing lugar sa Maynila kagaya ng Divisoria, Recto, Blumentritt, at Quiapo.

Ayon kay Erap, madaling linisin ang lungsod mula sa illegal vendors—na ilang dekadang umokupa sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan—ngunit may ilang bagay raw na kailangang isaalang-alang o ikunsidera.

"Ilang taon na akong naging mayor—sa San Juan, sa Maynila—naging presidente pa ako.

"Madali 'yan iutos, pero titingnan mo rin kapakanan ng kapwa tao mo, lalo na yung mga mahihirap," pahayag ng dating alkalde ng Maynila sa panayam sa kanya ng radio station na DZMM kahapon, July 9.

Si Erap ay naging mayor ng San Juan sa loob ng 17 taon, mula 1969 hanggang 1986.

Continue reading below ↓

Noong 1998 ay nahalal siyang Pangulo ng Pilipinas, ngunit napatalsik sa puwesto noong 2001.

Noong 2013 ay tumakbo at nanalo siyang mayor ng Maynila, at nanalong muli para sa kanyang ikalawang termino noong 2016.

Ngunit nitong 2019 elections ay natalo siya ni Isko para sana sa kanyang ikatlo at huling termino bilang Manila mayor.

Mariin ding pinabulaanan ni Erap ang mga alegasyong panunuhol ng kanyang successor.

Sa isang panayam ay isiniwalat ni Isko na in-offer-an siya ng P5 milyon kada araw para itigil ang kanyang operasyon laban sa illegal vendors.

Pahayag ni Erap tungkol dito, "Hindi nga makagpagbayad sa city hall araw-araw, nahihirapan pa, mag-offer pa ng milyun-milyon? Kalokohan.

"Wala nang mapakain sa kanilang pamilya, magbibigay ng milyun-milyon?

"Tama na 'yang mga kalokohan na 'yan."

Sa kabila ng mga alegasyong ibinabato laban sa kanya, ipinapanalangin pa rin daw ni Erap ang tagumpay ni Mayor Isko.

"Let us pray and wish him success.

"There's that saying once a person is elected kung walang daya, talagang clean elections, the voice of the people is the voice of God. Let us help him," saad niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Mayor Joseph "Erap" Estrada on clean-up drive of his sucessor, Isko Moreno: "Madali 'yan iutos, pero titingnan mo rin kapakanan ng kapwa tao mo, lalo na yung mga mahihirap."
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results