Jameson Blake laughs off questions about his sexual orientation

by Arniel C. Serato
Jul 9, 2019
Jameson Blake on why he does not have a girlfriend yet: "Choosy ako. I mean, I'm not the guy who just like to see the good in everyone right away."
PHOTO/S: Noel Orsal

Tatlong taon nang single ang Hashtags member na si Jameson Blake kaya naman lagi siyang natatanong kung may nililigawan na ba siya.

Ang nakangiti lang niyang sagot lagi ay "Wala."

Hindi ba siya natatakot mapagduduhang may "boyfriend"?

Sa showbiz, kalimitang kinukuwestiyon ang pagkalalaki ng isang male celebrity kapag sa matagal na panahon ay single ito.

Natatawang sagot ni Jameson, "Well, I don't... so pag walang girlfriend, meaning baka may boyfriend din?

"I don't know... I've been single for, like, two years and a half. Almost three years na.

"Alam ko na may mga tao na ganun, picky.

"I'm not the person to prove myself who I am, so I know the truth about myself.

"I don't need to explain."

Bakit mapili siya sa magiging girlfriend? Ano ba ang standards na hinahanap niya?

Sagot ng Kapamilya actor, "Walang standard, choosy lang ako.

"Choosy ako. I mean, I'm not the guy who just like to see the good in everyone right away.

"Siyempre, for example, if I like a girl, I'd like to get to know her first.

"Hindi naman agad-agad mangyayari lahat."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa publicity pictorial ng pelikulang G! na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

JAMES DENIES COURTING ELISSE

Natawa naman si Jameson sa tanong kung nakipag-"momol night" din ba siya.

Naranasan naman daw niya ito noong may girlfriend pa siya.

Samantala, hindi pa rin mamatay-matay ang isyung nililigawan niya si Elisse Joson.

Pero pagtanggi ni Jameson, "Hindi. Sabi nila..."

Ayon pa sa binata, close lang sila ng dalaga.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jameson Blake on why he does not have a girlfriend yet: "Choosy ako. I mean, I'm not the guy who just like to see the good in everyone right away."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results