Paborito nga ba ng GMA-7 si Kris Bernal? Hindi kasi nawawalan ng trabaho si Kris sa Kapuso Network. Ayon naman Kapuso actress, iba ang may paborito sa kanya kaya siya mayroong trabaho sa GMA.
Bago niya sinagot ang tanong na ito, nabanggit naman ni Kris na natatakot siya para sa kanyang role. Isinasapuso niya raw kasi ang kanyang mga nagiging role at para sa Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, grabeng kontrabida raw ang role niya.
