Salvador Panelo: Amal Clooney misinformed about Maria Ressa case

by Bernie V. Franco
Jul 9, 2019
Presidential Spokesperson Salvador Panelo believes international human rights lawyer Amal Clooney is "misinformed" about the case of journalist Maria Ressa.
PHOTO/S: RTVMalacanang on You Tube; Maria Ressa's Facebook

“Palagay ko, naghahanap lang sila ng katapat ko.”

Ito ang reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa balitang magiging representative ng journalist at Rappler chief executive officer na si Maria Ressa ang international human rights lawyer na si Amal Clooney.

Si Amal ay asawa ng sikat na Hollywood actor na si George Clooney.

Ayon kay Panelo, na siya ring chief legal counsel ni Pangulong Rodrigo Duterte, excited siyang makaharap ang "maganda na, sexy pa" na si Amal.

“E, kasi kapag kaming dalawa ang nagdedebate ni Maria, medyo kawawa naman kasi hindi naman siya abogado.

"E, kailangan may abogado rin siya. Ayun maganda na, sexy pa,” pahayag ni Panelo sa isang press briefing sa Palasyo ngayong July 9, Martes.

Idiniin pa ng Presidential spokesperson na naghahanap lang ng kakampi si Ressa.

"I’m serious, I’m very serious... Naghahanap lang ng kakampi yun.”

Sabi pa ni Panelo, “Baka nabola niya lang si Atty. Amal.

Continue reading below ↓

“Misinformed kasi si Atty. Amal, e.

“Siguro kapag nagkita kami, to use the word of the President, I can educate her,” dugtong ni Panelo.

Lumabas ang balitang magiging kinatawan ni Ressa si Amal sa newsletter na inilabas ng Doughty Street Chambers, isang kilalang London-based law firm, nitong July 8, Lunes.

Bukod kay Amal, ang kapwa niya abogadong si Caoilfhionn Gallagher QC ay magiging kinatawan din ni Ressa.

Ayon sa newsletter: "Amal Clooney and Caoilfhionn Gallagher QC, barristers at Doughty Street Chambers specialising in international law and human rights, have confirmed that they will act with a team of international lawyers as counsel to renowned journalist Maria Ressa."

Sa kanyang statement, sinabi ni Amal na si Ressa ay isang matapang na reporter “who is being persecuted for reporting the news and standing up to human rights abuses.”

Tiniyak din niyang gagawin nila ang lahat upang ma-vindicate ang mga karapatan ni Ressa “and defend press freedom and the rule of law in the Philippines."

Continue reading below ↓

February 2019 nang arestuhin si Ressa sa kanyang opisina matapos siyang sampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong cyber libel dahil sa isang 2012 article na diumano’y “clearly defamatory.”

Nakapagpiyansa si Ressa.

November 2018 nang sampahan naman ng DOJ si Ressa at ang Rappler Holdings Corporation ng tax evasion cases.

Nanindigan naman si Ressa at ang kanyang kinabibilangang organisasyon na ang mga kasong isinampa sa kanila ay “persecution” dahil sa kanilang pagbabalita na kumakastigo sa administrasyong Duterte.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Spokesperson Salvador Panelo believes international human rights lawyer Amal Clooney is "misinformed" about the case of journalist Maria Ressa.
PHOTO/S: RTVMalacanang on You Tube; Maria Ressa's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results