Is Kris Bernal ready to settle down with non-showbiz boyfriend?

by Rose Garcia
Jul 10, 2019
Kris Bernal on boyfriend Perry Choi as 'the one': "Siyempre, hindi rin naman natin masasabi. Malay mo, may ibang ibigay si Lord sa ‘yo. Akala mo lang siya, hindi natin masabi. Pero sa ngayon, okay ako sa kanya."
PHOTO/S: Noel Orsal

Maliban sa kanyang successful showbiz career at pagiging negosyante, blooming din ngayon ang love life ng Kapuso actress na si Kris Bernal.

Ang non-showbiz boyfriend ni Kris ay ang chef na si Perry Choi.

Sa puntong ito ng kanyang buhay, wala pa rin ba sa plano niya ang magpakasal?

Saad ng 30-year-old Kapuso actress, “May mga plano na rin, pero kasi respected naman niya ang work ko.

“Parang, ‘Kung gusto mo pang gawin ‘yan, gagawin mo.’

“Siyempre, gagawin ko hangga’t nabubuhay ako, gusto ko ‘tong trabaho ko.

“Pero kapag dumating na rin naman yung time na gusto ko rin magkaroon ng family…

“Kasi 30 na ako ngayon… siguro in three years.”

Gusto raw niya ng maraming anak.

Pero ayon din kay Kris, “Siyempre, marami pa rin akong gustong gawin.

“Siguro dahil din sa KontrAdiksyon, yung movie ko na kakatapos lang, so parang nabuksan din ang isip ko na gusto ko pang gumawa ng films.

Continue reading below ↓

“Ang dami ko pang gustong gawin.

“Pero yun nga, kung iisipin mo, gusto mo rin magka-family.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, noong Lunes, July 8.

IS PERRY THE ONE?

Ang non-showbiz boyfriend ni Kris ay kasosyo rin niya sa ilang negosyo, tulad ng Korean restaurant niya sa Quezon City.

Si Perry na ba ang nakikita ni Kris na makakatuluyan niya?

“Oo, sa ngayon, siya!” natawang sagot niya.

“Siyempre, hindi rin naman natin masasabi.

“Malay mo, may ibang ibigay si Lord sa ‘yo. Akala mo lang siya, hindi natin masabi.

“Pero sa ngayon, okay ako sa kanya.”

Kung sakaling mag-propose na sa kanya ang boyfriend, tatanggapin niya?

“Pwede naman!” tawa pa rin ni Kris.

ON RAYVER CRUZ

Nabanggit ni Kris na si Rayver Cruz ang pinakapabirito niya sa lahat ng naging ka-love team o leading man niya.

Continue reading below ↓

Kung nagkataong walang Janine Gutierrez sa buhay ni Rayver, may posibilidad bang maging sila ng aktor?

“A, hindi rin, hindi naman ako ganun,” pakli ni Kris.

“Siyempre, pa-demure pa rin ako.

“Sobrang love ko si Janine, ha. Gandang-ganda ako sa kanya.

“Wala siyang issue sa akin or ano… at saka, ano ba, nakakahiya naman kay Janine.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on boyfriend Perry Choi as 'the one': "Siyempre, hindi rin naman natin masasabi. Malay mo, may ibang ibigay si Lord sa ‘yo. Akala mo lang siya, hindi natin masabi. Pero sa ngayon, okay ako sa kanya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results