Eugene Domingo still feels relevant in the digital era

by Bernie V. Franco
Jul 12, 2019
Eugene Domingo on joining the digital era as an actress: "Sakto lang naman ang mga timing."
PHOTO/S: Noel Orsal

Payapa, relaxed, chill.

Ganito ilarawan ni Eugene Domingo ang kanyang career ngayon, kumpara sa mga nakalipas na taon na kaliwa’t kanan ang mga proyekto niya sa telebisyon at pelikula.

Sa kasalukuyan, ang tanging TV project ni Eugene ay ang Kapuso comedy anthology na Dear Uge.

Abala rin siya sa pagpu-promote ng kanyang digital series sa iWant, Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken, na third installment ng Ang Babae sa Septic Tank movie franchise.

Mas gusto ba ni Eugene ang estado ng career niya ngayon?

“Sakto lang naman ang mga timing,” sagot ni Eugene sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken nitong July 10, Miyerkules.

“Iba naman yung energy noon sa energy ngayon.

“Iba rin ang requirements noon. Iba rin ang fulfillment.

Continue reading below ↓

"Tama lang ang mga timing.

“At this point in my life, tama rin ang dating ng digital series ng Babae sa Septic Tank.

"I really enjoyed it.”

Paliwanag ni Eugene, may pressure siyang nararamdaman sa pagpasok ng digital era kahit sa entertainment industry, pero natutuwa siya na nakakasabay pa rin siya.

“Medyo natutuwa ako kasi kahit pressured ako, parang nararamdaman ko na I’m still here.”

Handa pa rin ba siyang tumanggap ng sunud-sunod na proyekto kung sakaling dumating ang offers sa kanya?

Tugon ni Eugene, “Depende sa material. Parang mas masarap gawin yung gusto mong gawin.

“Like this series, gustung-gusto ko talagang gawin, but mahirap siya.

“But now that it’s finished and ready to be downloaded, I am excited to watch it.

“Hindi ko pa kasi napapanood, e.

“While doing it, we were all enjoying. We were all bonded.”

Continue reading below ↓

EUGENE DOMINGO'S ITALIAN BOYFRIEND

Samantala, three years na ang relasyon ni Eugene sa kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni.

Ani Eugene, hindi isyu sa kanyang film-critic boyfriend ang kanyang pagiging aktres dahil simula pa lamang ay alam na ni Danilo ang kanyang trabaho.

Sa katunayan, nakilala raw ni Danilo si Eugene sa pamamagitan ng panonood ng mga pelikula ng aktres.

“He is basically a fan. He has already been watching Asian films.

"And he has seen me in Kimmy Dora and Septic Tank in Italy, in Italian film festivals there for Asian films.

“Bago ko pa siya sineduce, kilala na niya ako,” biro ng award-winning actress.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eugene Domingo on joining the digital era as an actress: "Sakto lang naman ang mga timing."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results