Joshua Garcia says breakup with Julia Barretto a mutual decision

by Melba R. Llanera
Jul 12, 2019
Joshua Garcia to JoshLia fans: "Huwag silang malungkot kasi hindi naman mawawala ang JoshLia, e. “Gagawa pa rin kami ng mga pelikula, may mga projects pa rin kami na pagsasamahan. Magkakatrabaho naman kami."
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram

Inamin ni Joshua Garcia na mahal pa rin niya ang ex-girlfriend na si Julia Barretto.

“Espesyal, sobra, mahal ko pa rin ang taong yun. Ang tagal naming nagsama.

“At least, hindi nawala yung friendship namin. Yun ang ipinagpapasalamat ko.

“Ako, I’m happy kung nasaan kami ngayon.”

Noong April 2019 lamang umamin sina Joshua at Julia tungkol sa kanilang two-year relationship.

Pero pagkalipas lamang ng ilang buwan, matapos nilang umamin, ay tinapos na rin ng dalawa ang kanilang relasyon.

May posibilidad bang magkabalikan sila ni Julia?

Sagot ni Joshua, “Kung anuman ang mangyari, kung magkabalikan man, hindi natin alam. Only God knows.”

Ayon din sa binata, mutual decision ang paghihiwalay nila.

“Kumbaga, pinag-usapan talaga namin nang maayos.

“Best friends kami. Mas okay kami ngayon na ganito.

“Kumbaga, mag-i-stick muna kami dun, kasi dun kami mas magaan sa isa't isa.”

Continue reading below ↓

Hindi naman daw apektado si Joshua sa bashers nila ni Julia pagkatapos nilang aminin ang kanilang breakup.

“Huwag mo na lang pansinin, kumbaga, normal na yun, e.

“Kung dun gumagaan ang pakiramdam nila, ibigay na natin yun sa kanila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua sa pictorial ng upcoming primetime series na The Killer Bride, sa Studio 9 ng ABS-CBN, noong July 9.

NEW LEADING LADY

Sa The Killer Bride, magkakaroon ng bagong kapareha si Joshua sa katauhan ni Janella Salvador.

Kuwento ng young actor tungkol sa tambalan nila ni Janella, “Sobra, sobrang excited ako!

"Kasi medyo matagal akong hindi nakapag-taping after Ngayon At Kailanman [2018]. Excited na ako.

“Na-enjoy ko, very professional.

“Masaya siyang kasama, relax lang kaming lahat sa taping.”

Dagdag ni Joshua, “Ako yung happy-happy lang dito, parang waang problema, pero darating sa time na pagsususpetsahan ko kasi si Janella, e.

Continue reading below ↓

“Parang imbestigador ako dun, nag-iimbestiga ako, parang hindi ka totoo. Parang ganun.”

Nagpaalam o nagsabi ba siya kay Julia na si Janella ang makakapareha niya sa The Killer Bride?

Tugon ni Joshua, “Magkaibigan sila, e… hindi ko alam.

“Feeling ko naman, okay.

“Napag-usapan? Ay, hindi.”

Hindi pa man nagsisimulang umere ang The Killer Bride ay may tagahanga na ang Joshua-Janella tandem.

Sabi ni Joshua tungkol dito, “I'm happy, sabi ko nga, yung mga artista, makakita lang ‘yan ng kaunting suporta ng mga tao, nakakagaan na magtrabaho.

“Gagawin ko ito for them para proud sila sa akin."

Tiniyak naman ni Joshua sa JoshLia fans na kahit naipareha na siya sa ibang aktres ay tuloy pa rin ang love team nila ni Julia.

“Ang mensahe ko for them, huwag silang malungkot kasi hindi naman mawawala ang JoshLia, e.

“Gagawa pa rin kami ng mga pelikula, may mga projects pa rin kami na pagsasamahan. Magkakatrabaho naman kami.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia to JoshLia fans: "Huwag silang malungkot kasi hindi naman mawawala ang JoshLia, e. “Gagawa pa rin kami ng mga pelikula, may mga projects pa rin kami na pagsasamahan. Magkakatrabaho naman kami."
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results