Sinabihan si Jameson Blake ng mga kausap ng showbiz reporters na dapat na siyang magka-girlfriend.
Ayon sa reporters, sa local showbiz, kapag wala raw girlfriend ang isang aktor, malamang na pagdududahan na agad ang kasarian o pagkalalaki nito.
Sagot naman ni Jameson, kilala niya ang sarili niya at hindi siya papaapekto kung sakaling pagdudahan nga ang kanyang pagkalalaki.
Nang tanungin kung bakit wala pa siyang girlfriend, ito ang sagot niya.
