Neil Arce reveals why he did not produce films for fiancee Angel Locsin

by Julie E. Bonifacio
Jul 13, 2019
Neil Arce on working with Angel Locsin: "Nag-agree kami na we won’t work together as much as we can kasi para, di ba, magkaiba yung personal life sa work."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Ngayong malapit na silang ikasal, magiging bahagi rin kaya ng pag-aaring film company ni Neil Arce, ang N2 (squared) Productions, ang kanyang fiancée na si Angel Locsin?

Tumango lang si Neil at humingi ng dispensa dahil wala raw siyang boses.

“Hindi ako nagla-lie, ha. Wala talaga akong boses,” paliwanag ni Neil nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 noong Miyerkules, July 11.

Ang I’m Ellenya L., isa sa entries sa PPP 2019, na kaya ang last film na ire-release ng N2 Productions bago sila ikasal ni Angel?

“Hindi, kasi siyempre hindi mo alam yung playdate.

"So, hindi mo alam kung gagawin ko 'tapos ano, di ba, hindi mo alam yung playdate. Kaya mahirap sagutin yung tanong.”

Bakti hindi niya muna pinag-produce ng pelikula si Angel bago siya nagpo-propose?

“Nag-agree kami na we won’t work together as much as we can kasi para, di ba, magkaiba yung personal life sa work,” sagot ni Neil.

Continue reading below ↓

Hindi naman dahil natatakot siyang masira ang personal relationship niya kay Angel kapag nagkasama sia sa isang project?

“Hindi naman ako natatakot, pero siyempre, alam mo yun?

“Para lang walang masabi yung mga tao, di ba? Just to be safe lang.”

After ng wedding nila, puwede na silang mag-collaborate ni Angel sa mga proyekto ng N2 Productions?

“Puwede na,” diin niya.

“Wala namang mababago sa N2.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neil Arce on working with Angel Locsin: "Nag-agree kami na we won’t work together as much as we can kasi para, di ba, magkaiba yung personal life sa work."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results