Is this Angel Locsin's message to intrigues after her engagement? 

by Rachelle Siazon
Jul 13, 2019
Angel Locsin posts cryptic message as news of her engagement sparked mixed reactions among netizens.
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram / Paolo Nierves

Isang matalinhagang quote ang ibinahagi ni Angel Locsin patungkol sa mga taong sumisira sa kasiyahan ng iba.

Hinihinalang may kinalaman ito sa pagsangkot ng ibang netizens ng kung anu-anong isyu sa engagement ni Angel at ng film producer na si Neil Arce.

Sabi sa Instagram story ni Angel kahapon, July 12: "DON'T RUIN OTHER PEOPLE'S HAPPINESS JUST BECAUSE YOU CAN'T FIND YOUR OWN."

Continue reading below ↓

Noong June 29 inanunsiyo nina Angel at Neil na sila ay engaged na.

March 2017 nang unang mabalitang nagdi-date ang dalawang matagal nang magkaibigan.

February 2018 naman nang kumpirmahin ni Angel na magkasintahan na nga sila ni Neil.

BELA PADILLA ASKED BY NETIZEN

Kasunod ng balitang engaged na sina Angel at Neil ay hindi maiwasang magtanong ang ilang netizens kung ano ang reaksiyon ng kani-kanilang mga ex hinggil dito.

Noong July 10, una nang sinagot ng ex-girlfriend ni Neil na si Bela Padilla ang isyu.

Sa pakikipag-usap niya sa kanyang Instagram followers, nilinaw ni Bela na masaya siya para sa newly-engaged couple.

LUIS MANZANO'S STATEMENT

Kasunod nito ay hindi inaasahang nadawit din ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano.

Mali kasi ang interpretasyon ng ibang netizens sa sagot ni Luis nang hingan ito ng reaksiyon sa engagement ni Angel.

Base ito sa kumalat na YouTube video ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Melba Llanera.

Continue reading below ↓

Noong July 11, nag-tweet si Luis na ang tanging ipinarating sa naturang panayam ay huwag na sana siyang idamay pa ng "fans or press" sa engagement ni Angel dahil may kani-kanila na silang buhay ngayon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin, Neil Arce
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin posts cryptic message as news of her engagement sparked mixed reactions among netizens.
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram / Paolo Nierves
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results