Benjamin Alves cozies up to rumored girlfriend at her birthday bash

by Rachelle Siazon
Jul 13, 2019
Kapuso actor Benjamin Alves and model Chelsea Robato seem to be inseparable during her birthday celebration with friends last night, July 12, at a restobar in Bonifacio Global City.
PHOTO/S: @jacobbenedicto / @rowelllim via @chelseamaey Instagram

Tila unti-unting nagiging bukas sa publiko ang espesyal na ugnayan ni Benjamin Alves sa model na si Chelsea Robato.

Sa birthday celebration ni Chelsea kagabi, July 12, kapansin-pansin na si Benjamin ang bisitang pinakamalapit sa puso ng dalaga.

Todo-sweet sila sa isa't isa, base sa videos na ibinahagi ni Chelsea sa kanyang Instagram Stories.

Magkatabi ang dalawa habang nagpa-party kasama ng ilang mga kaibigan sa isang restobar sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sa isang selfie video, binati ni Benjamin si Chelsea ng "Happy birthday."

Matamis naman ang pagkakangiti ni Chelsea na biglang hinalikan sa pisngi ang Kapuso actor.

May isang video rin na nakunan ang sweet kiss ni Benjamin kay Chelsea.

Continue reading below ↓

At nang kantahan ng "Happy Birthday" si Chelsea, panay ang tukso ng mga kaibigan nila ng "Kiss!"

Si Benjamin, na may hawak ng birthday cake, ay napapangiti sa kulitan ng mga kaibigan at saka masuying hinalikan si Chelsea sa labi.

Nakunan ito ng isa sa guests sa party, ni-repost ni Chelsea sa kanyang Instagram, at ibinahagi naman ng ilang netizens.

Continue reading below ↓

May video rin si Chelsea na humilig sa balikat ni Benjamin at nilagyan niya ito ng caption na "Happiness @benxalves"

Si Chelsea ay isang model na dating napanood sa 2014 ABS-CBN reality show na I Do.

Kasalukuyan namang umeere sa GMA-7 afternoon prime ang Dahil Sa Pag-Ibig, ang pinagbibidahang teleserye nina Benjamin Alves at Sanya Lopez.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Benjamin Alves and model Chelsea Robato seem to be inseparable during her birthday celebration with friends last night, July 12, at a restobar in Bonifacio Global City.
PHOTO/S: @jacobbenedicto / @rowelllim via @chelseamaey Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results