Maymay Entrata reveals real score with rumored boyfriend Edward Barber

by Rachelle Siazon
Jul 13, 2019
Maymay Entrata quashes speculations that she and Edward Barber are in a relationship. In the right photo, Edward gives her a hug during his surprise visit while she was shooting a film in Hong Kong.

Tila na-tense si Maymay Entrata nang usisain siya tungkol sa estado ng relasyon nila ng ka-love team niyang si Edward Barber.

"Ano po yung last question?" sabay hagalpak ng tawa ni Maymay, na aminadong umiiwas sa isyu.

"Ang masasabi ko po sa kanila, maraming salamat unang-una sa suporta."

Pero gaano katotoo na magkasintahan na sila ni Edward?

Sagot ni Maymay, "Sino nagsabi po? Ay, hindi, hindi! Alam ni Dodong kung ano ang mga priority ko ngayon."

Dodong ang palayaw ni Maymay sa perennial leading man at dating Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemate.

Hindi pa raw handa si Maymay na pumasok sa relasyon dahil marami pa raw siyang responsibilidad sa buhay.

Patuloy niya, "At alam niya yung priority ko—yung family ko, yung trabaho ko.

"Sa tamang panahon."

Nagpakuwelang idinilat pa ni Maymay ang kanyang mga mata at nakapagtitigan sa awtor na ito bilang patunay na nagsasabi raw siya ng totoo.

Continue reading below ↓

"Promise ko sa inyo, di ako nagsisinungaling!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maymay pagkatapos ng presscon ng Hello, Love, Goodbye nitong nakaraang Martes, July 9.

Kabilang si Maymay sa cast ng pelikulang pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Kasama rin siyang isang buwang nag-shooting sa Hong Kong, at noong panahong iyon ay naging bukas si Edward sa pagsasabi kung gaano niya ka-miss ang dalaga.

Binisita pa nga niya si Maymay doon.

"Yiheee! Alam niyo naman po pala. Hahaha!" pahabol ni Maymay nang kumustahin ang pagdalaw sa kanya ni Edward.

Paalis na si Maymay kaya marahil ito na lang ang nasabi niya.

EDWARD BARBER'S "GIRLFRIEND"

Hindi naman kaila sa mga masugid nilang fans na minsan nang tinukoy ni Edward si Maymay na kanyang "girlfriend."

Sa online episode ng ASAP noong April 14, naging tampulan ng tukso si Edward dahil sa pagkawalay nila ni Maymay na noon ay nagsyu-shooting sa Hong Kong.

Continue reading below ↓

Tinanong si Edward ng co-host niyang si Donny Pangilinan kung "first time" daw ba niya na mapalayo nang ganito katagal sa kanyang "girlfriend."

Sagot ni Edward, "Yes."

Hindi ito nakaligtas sa Mayward fans na nagnanais na maging totohanan ang partnership nina Maymay at Edward.

EDWARD VISITS MAYMAY IN HONG KONG

Lalo pang naging maugong ang mga haka-haka tungkol sa relasyon nila nang kumalat sa social media ang mga litrato ni Edward nang dalawin niya si Maymay sa Hong Kong.

Aktong sweet sila sa isa't isa kahit pa nakasuot ng mask ang binata.

=68.ARBI_K3HFfhzeI77PUQnDB_eX2PXiOEnuNhJ_o2tdaIgqbuLu8MhSSmk718o0pZ4yqM0EcALt_kktUEpMmCQCAh2XtUgdaXfPFdJvHwyuf5q7UIQB7A1eKGvCcQap5HllRzYTigB66jrOgXQHz5qSL7H9nRcrULBwLqnO8ujQZ8J8D8t4nY6ce3Sagnw88qhi_bgjVa9Yvj5bHENfB1Eylt_Ynq39yI5a-2Ltr4X7DupY2gG5lFfwJrKHS0H5TGu7JTa-YUBv_adCGgMnItKckoLOLvHC3o8b-DmxZERfZ7qGxNKnK_8MQ_i-IDouaEmhoEbfTldFVBTt5fpR1mMuf64xw&__tn__=-R]

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata quashes speculations that she and Edward Barber are in a relationship. In the right photo, Edward gives her a hug during his surprise visit while she was shooting a film in Hong Kong.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results