Mommy Pinty slams basher of daughter Alex Gonzaga

by James Patrick Anarcon
Jul 14, 2019
Alex Gonzaga's mother Mommy Pinty slams netizen who called her daughter "pokpok" and "palingkera." Mommy Pinty said, "Kawawa ka naman will pray for you baka sa inggit ano gawin mo sa sarili mo. be happy girl"
PHOTO/S: @cathygonzaga on Instagram

Sinagot ng ina ni Alex Gonzaga na si Mommy Pinty ang isang basher na tinawag na "palingkera" at "pokpok" ang anak.

Kahapon, July 13, nag-post si Alex ng throwback photo sa kanyang Instagram account noong nagbakasyon siya sa New York City.

Isang netizen na may Instagram handle na @kimora1976 ang nag-comment sa post na ito ni Alex.

Continue reading below ↓

Sabi ng basher ni Alex, "Ano ginagawa ng palingkera pokpok sa New York bazura"

Hindi ito pinalampas ni Mommy Pinty.

Sabi ni Mommy Pinty, "haaaa sino ka!! Kawawa ka naman will pray for you baka sa inggit ano gawin mo sa sarili mo. be happy girl"

Sa ngayon ay burado na sa Instagram post ni Alex ang comment ng netizen at maging ang sagot ni Mommy Pinty.

Ngunit kahit burado na ang comment, in-screenshot ito ni Alex at ni-repost sa kanyang Instagram stories.

Sabi ni Alex sa caption ng kanyang screenshot: "Wag nyo ginagalit si #Tipints!"

Continue reading below ↓

"Tipints" ang isa sa mga tawag ni Alex kay Mommy Pinty.

Ito rin ang title ng kanta na ginawa ni Alex para sa ina.

Isang netizen naman sa Twitter ang nag-screenshot din at nag-tag kay Alex sa ginawang pagsagot ni Mommy Pinty sa basher.

Ni-retweet ito ni Alex at nagsabing: "Hahahaha MOMMY PINTY is KWEEN and savage!!!"

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga's mother Mommy Pinty slams netizen who called her daughter "pokpok" and "palingkera." Mommy Pinty said, "Kawawa ka naman will pray for you baka sa inggit ano gawin mo sa sarili mo. be happy girl"
PHOTO/S: @cathygonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results